Pages

Friday, November 20, 2009

"First" Barangay Day, Ipinagdiwang

Kabilang sa selebrasyon ng kapistahan ng Patron San Nicolas De Tolentino ng bayan ng Naujan ay ang Barangay Day Celebration na ginanap noong ika-8 ng Setyembre sa Liwasang Bonifacio. Kaiba ang selebrasyon nito ngayong 2009 na araw isinagawa at hindi tulad noong mga nagdaang taon na gabi tuwing ito ay ginaganap.

Naging pangunahing panauhin sina Cong. Alfonso “PA” Umali, Jr. at Bokal Bonz Dolor sa hanay nina Mayor Romar G. Marcos, Hermano Mayor Nico P. Valencia, Vice-Mayor Wilson A. Viray at Sangguniang Bayan Members.

Pangunahing layunin ng pagdiriwang na maipakita ang pagkakaisa ng bawat barangay at ang kanilang pagsuporta sa Bayan ng Naujan sa pamamagitan ng pakikilahok at partipasyon sa lahat ng gawain dito. Naging masaya ang lahat at nakilahok sa mga palarong inihanda. Bawat distrito ay siguradong may naiuwing mga premyo mula sa mga palaro at raffle draw tulad ng groceries at bigas. Kabilang din sa mga ipina-raffle ang mga bag na naglalamanng mga gamit pangkusina na ipinagkaloob ni Gng. Chalie Valencia, butihing maybahay ng Kongresman ng Unang Distrito. Nangako rin si Cong. Boy Umali na pagkakalooban ng insurance ang lahat nang opisyales ng barangay mula sa Punong Barangay, 7 Kagawad, Kalihim, Ingat-yaman, at SK Chairman.

Isa sa pinakatampok sa selebrasyon ay ang paggawad ng Clean and Green Award sa pinakamalinis at luntiang barangay ng Naujan na napunta sa Barangay Sta. Cruz.

Ang maghapong gawain na dinaluhan ng lahat nang opisyales ng 70 barangay na binahagi sa 8 distrito ay naging matagumpay sa pangunguna ng pangulo ng Liga ng mga Barangay Kgg. Dominador Y. Bahia sa tulong ng Municipal Planning and Development Office. (MLGOO Amelia L. Ramos)

No comments:

Post a Comment

Nais mong magkomento?