Pages

Friday, November 20, 2009

Bb. Naujan: Barcenaga's Krystal Dianne Bersoto


Mena G. Valencia Gymnasium. Itinanghal si Dianne bilang Bb. Naujan 2009 noong Setyembre 8, taung kasalukuyan pagkaraan ng dalawang araw na tagisan ng ganda at talino. Bumukod-tangi ang kinatawan mula sa Barcenaga nang makuha niya ang Ms. Photogenic, Best in Swimsuit, Best in Long Gown, and Best in Talent awards. Kaya’t itinuring siya bilang pinakamahiyas na binibini ng bayan sang-ayon sa mga criteria na pinagbatayan ng mga hurado. Sinundan siya nina Janine Cajayon ng Pagkakaisa, First Runner-up at Queen of DABALISTIHIT Festival; Ruby Jane Tordecilla ng Aurora, Second Runner-up; Laurenchi Fonte ng Santiago, Third Runner-up; at Kristal Grace Alzate ng Nag-iba, Fourth Runner-up. Naging bahagi rin ng nagnining-ningang mutya ng Naujan sina Daisie Rosary Enriquez (Ms. Congeniality) ng Pinagsabangan, Rubie Rose Bontia ng Kalinisan, Katrine Belino ng Antipolo, Wendell Escalona ng Apitong, Cindy Pasadilla ng Bayani, at Rosemarie Ruiz ng Mulawin.

Si Ms. Dianne Bersoto ay magsisilbing opisyal na kinatawan ng bayan ng Naujan para sa nalalapit na Search for Ms. Oriental Mindoro.

Naging matagumpay ang programa sa pangunguna ni Dr. Jocelyn Muli-Marcos, Bb. Naujan Committee Chairperson at sa tulong ng mga hurado na kinabibilangan nina Rodolfo Dapito sa bayan ng Gloria, Dianne Arevalo, Ms. Oriental Mindoro 2007, Orlando Tizon, Provincial Tourism Officer, Patty Montales mula rin sa Provincial Office, at si Atty. Lorybell Tanyag bilang Chairperson ng Board of Judges.

Tampok rin ang presensya nina Mayor Romar G. Marcos at John Nico P. Valencia, Hermano Mayor 2009 na parehong sumuporta sa nasabing programa.(Arnol M. Rosales/ESL)

No comments:

Post a Comment

Nais mong magkomento?