Pages

Showing posts with label Panitikang Naujeňo. Show all posts
Showing posts with label Panitikang Naujeňo. Show all posts

Wednesday, December 4, 2013

Pag-asa

Marami ang naririnig, marami ang nagtatanong
Saan ba patutungo ang bawat panahon?
Kung ang bawat umaga’y dilim ang dumadaloy
May pag-asa pa ba ang bawat dapit hapon?

Isang tanong na mahirap ang bawat itutugon
Kung ang bawat tao’y dito rin lulusong
Dito na sasadlak na walang hinahon
Hanggang sa masadlak sa lusak ng kahapon.

Dapat bawat tao’y nakatingin sa liwanang
Na sa kabila ng dilim may pag-asang malalasap
Dumaan man ang unos at hagupit ng pagsubok
May araw na sisikat ng walang pag-iimbot.

Pakatandaan nating meron pa ring lumikha
Na mataas sa lahat at handang umunawa
Sa lahat ng problema’y may sagot na akma
Pagkatapos ng dilim may liwanag pang mapapala.


                                                      
                                                    Nelson G. De Guzman

Wednesday, September 4, 2013

Bukang Liwayway

Pagkatapos ng dilim ay may isang liwanag
Na siyang inaasam at pinakahahangad
Bagama’t mahirap siyang laging hanap-hanap

Ngayong nasilayan na ang bukang liwayway
Handa nang harapin bukas na makulay
Pangako ng pag-asa’y muli ng sumilay
Pagbabagong dala’y dapat iwagayway

Mamamayang Naujeño dapat magkaisa
Ipadama natin malasakit sa twina
Pagmamahal sa kapwa, sa Diyos ay mahalaga
Upang ang pag-unlad makikita’t madarama

Ano nga bang halaga ng bukang liwayway
Sa bawat Naujeñong laging umaasam
Sa gitna ng dilim laging hinihintay
Pagsikat ng araw, dala ay tagumpay



 Nelson B. De Guzman