Sa muling pag-oorganisa ng Lingap Kalikasan Tourism Council ng Pamahalaang Bayan ng Naujan,
binigyang importansya ng Punumbayan Atty. Mark N. Marcos ang muling pagpapanumbalik ng sigla ng
Turismo sa ating Bayan.
![]() |
Ang Liwasang Bonifacio ng Naujan ay tinaguriang 'well-kept plaza' sa Oriental Mindoro. |
Ang
Lawa ng Naujan, ayon sa kanya ang magandang tutukan sa panahong ito, sapagkat
maraming mga ahensya maging gobyerno man o pribado ang nais na makipagtulungan
sa pamahalaang lokal upang malinang ang mga lugar na malapit sa Naujan Lake.
Isa sa inaabangan ng mga turista sa lugar na ito ay ang Bird Watching Activity tuwing panahon ng migrasyon ng mga ibon na nagaganap tuwing buwan ng Pebrero.
Ang Bayan ng Naujan ay tahanan ng iba’t-ibang magagandang tanawin tulad
ng talon, ilog, dagat. Maipagmamalaki rin ang Arambyaw Falls, sa Brgy.
Masagana, Arangin Falls, sa Brgy. Arangin, Karacha Falls sa Brgy. Malvar at
Tuhod Falls at Tuhod Beach sa Brgy Herrera. Naririto rin ang Paitan River, sa Brgy. Paitan, Simbhang Bato
sa Brgy. Bancuro at iba pa.
Jadel
F. Dagdagan
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?