Pages

Tuesday, December 3, 2013

Kon. Viray unopposed PCL President

Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine Councilors League (PCL) Oriental Mindoro Chapter, may nahirang na walang katunggali sa pagkapangulo sa katauhan ni Konsehal Wilson A. Viray sa ginanap na halalan ng PCL Officers noong Setyembre 6, 2013 sa Vencio’s Garden Hotel, Tawiran, Calapan City.
Bokal Wilson A. Viray, Philippine Councilors League (PCL) Oriental Mindoro Chapter
Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng 152 konsehal kasama na ang mga ex-officio SB tulad ng SK Presidents at ABC Presidents mula sa 15 bayan at lungsod ng Silangang Mindoro para sa election of PCL Officers 2013-2016. Ito ay sang-ayon sa Constitution and Bylaws ng Philippine Councilors League. Nakasaad dito na ang PCL ay kinakailangang bumuo ng kanyang mga opisyal sa loob ng 90 araw pagkatapos ng halalan.
Ayon kay Engr. Samuel D. Borja, Jr., DILG Provincial Director, ang nasabing halalan ay malinis, mapayapa at mabilis.
Si Kon. Viray ay magiging kasapi ng Sangguniang Panlalawigan ng Silangang Mindoro as Ex-Officio Provincial Board Member bilang kapalit ni Konsehal Gideon Abuel ng Bulalacao. Siya ay uupong regular na bokal ng Silangang Mindoro na walang pagbabago sa kanyang mga tungkulin sa Bayan ng Naujan. Nangangahulugan na magiging doble ang dami ng kanyang trabaho.
Ang bagong hirang na pangulo ng PCL ay tatanggap ng karagdagang 3 grado sa kanyang kasalukuyang sweldo upang maging Salary Grade (SG) 27. At ito ay makukuha niya mula sa kaban ng Kapitolyo ng Lalawigan ng Silangang Mindoro.
Isang malaking karangalan sa bayan na dito nagmumula ang  pangulo ng PCL ng lalawigan, wika ni Mayor Makoy.                                                     ESL


No comments:

Post a Comment

Nais mong magkomento?