Pages

Showing posts with label September 2009 Celebrations Issue. Show all posts
Showing posts with label September 2009 Celebrations Issue. Show all posts

Tuesday, December 3, 2013

Petroleum dealers sa Naujan ilegal ang ilan

Malinaw na ilegal ang ilang retailers ng gasolina at dealer ng LPG sa Naujan. Ito ang kumpirmasyon na ibinigay ng Multi-sectoral Advocacy Campaign on Downstream oil Industry na isinagawa sa Calapan City noong Oktubre 8, 2013.

Hindi lamang nakabote ang ilang nagtitinda ng petrolyo, wala pang kaukulang permiso ang mga ito.

Gamit ang mga saligang batas kaugnay sa mga pa-ngangalakal at pg-iimbak ng produktong petrolyo, ilegal ang mga sumusunod:
Para sa krudo at gasolina
Bote-bote o de-container na krudo at gasolina
Walang business permit at iba pang kaukulang mga dokumento
Above the Ground Tanks (AGT)
Kulang sa 100 sq. m. na kinakailangang luwang ng pwesto
Para sa LPG
Ilegal na pagsasalin (refilling)
Ang mga tangke ng LPG ay pag-aari ng authorized refil-ling plants. Ipinahihiram ito sa mga konsumante sa pamamagitan ng authorized retail outlets na tumanggap rin nito mula sa mga authorized dealers. Kapag naubos na ang laman, ibinabalik ang mga ito sa planta upang mamintina at mapanatiling ligtas gamitin at malagyan ng eksaktong laman.
Naging ilegal ang pagsasalin kung hindi na nakakabalik ng planta ang nasabing mga tangke. Sa halip, napupunta ito sa mga negosyante na nagri-refill ng walang kaukulang permiso. Dahil mura, hindi mahalaga ang pagmintina ng tangke at laman nito. Hindi rin mahalaga ang uri at kaligtasan ng tangke, hanggang sa maabutan ang sinumang biktima ng pagsingaw at pagsabog ng tangke.
Ilegal na lalagyan (cylinder/container)
Ang ilegal na pagsasalin ay magdudulot ng ilegal na mga lalagyan at vice-versa. Bawal ang mga sumusunod:
Napakialaman (tampered) na lalagyan. Ito ay mga tangke na iba ang nakaukit sa nakapintang pa-ngalan. Kasama na rito ang nirepair na mga tangke.
Scrap o kalawangin ng tangke. Mapapansin ang kinakalawang na mga tangke sa ilalim nito.
Hindi sertipikadong yari na tangke. Kapag walang nakaukit na pangalan sa tangke, maaring hindi ito sertipikado. Delikado ang tangkeng basta na lamang ginawa.
Under-filled o kulang sa laman na tangke ay dahilan sa mga tangkeng may solidong mga residue sa loob dahil hindi na nalilinis. Kukuhanin ng bigat nito ang timbang ng LPG na binabayaran ng mga konsumante. Timbangin ang LPG upang malaman kung may problemang ganito.
Walang Timbangan
Puwedeng hanapan ng timbangan ang mga retailers para matingnan ang bigat ng binibiling LPG. Bago timbangin ang binibiling LPG, hanapin ang mga sumusunod:
Tare Weight (TW)    :Ito ang timbang ng tangke
Net Weight :Ito ang timbang ng LPG
Gross  Weight         :Kabuuang bigat ng tangkeng may laman, net weight plus TW.
Wala o peke ang selyo
Tingnan nang maigi ang selyo kung may tatak ng authorized refiller.
Ang ilegal na pangangalakal ay magreresulta sa pagkaloko, pagkalugi; at ang pinakamasaklap, aksidente.
Maaring iulat ang ilegal na gawain sa sumusunod:
Dir. Zenaida Y. Monsada
Assist. Director Rodela I. Romero
Department of Energy
Oil Industry Management Bureau
Energy Center, Merritt Road
(02)840-5669, 840-2130, 479-2900
Website: www.doe.gov.ph
ESL



Friday, November 20, 2009

Responsibong Gobyerno ng Mamamayan (RGM)

MHO’s RGM REPORT

In response to the primary needs of all Naujeños, Responsibong Gobyerno ng Mamayan (RGM) was conceptualized and launched by the Municipal Government of Naujan on March 2009 ; aiming to bring the local services of the government to all Barangays.

As support to the said program, the Municipal Health Office with its active and hardworking staff participate and offer medical, surgical and dental missions. As of now since the program begun, out of 70 barangays of the municipality, 53 of them are already visited by the RGM Team. As its accomplishment, about 8,613 patients consulted and given appropriate action and medicines of which 4,154 were dental patients, 741 had circumcisions and 49 were minor surgical operations conducted by Dr. Edgar “Egay” Llamar as volunteer.

Mayor Romar G. Marcos, officials and employees are still visiting the rest of the barangays in Naujan bringing them the easiest, convenient and less expensive services of the government; bringing the HEARTS of the municipality to all Naujeños. (Dr. Mary Jean I. Manalo)

RGM Patok sa Barangay

Simula nang inilunsad ang Responsibong Gobyerno ng Mamamayan (RGM) noong Marso 12, 2009 hanggang kasalukuyan ay libu-libong Naujeño na ang nakinabang sa mga pampublikong serbisyo nito.

Naging patok sa barangay ang programang RGM na isang virtual na “Munisipyo sa Barangay”. Ito ay programang inihahatid sa bawat barangay, gaano man kaliblib tulad ng Herrera, Banuton, Montelago, atbp, ang mga serbisyong medical at dental ng Municipal Health Office. Kasama na rito ang circumcision ng mga batang lalake at surgical operations. Bagama’t hindi kaya ng Pamahalaang Bayan ang umupa ng surgeon, ngunit dahilan sa voluntary service-oriented ang uri ng programa ay nakahikayat ito ng isang boluntaryong surgeon tulad ni Dr. Edgardo “Doc Egay” Llamar na tuloy-tuloy sa pagbigay ng serbisyo na walang bayad. Naging suporta rin sa koponan ni Dr. Mary Jean Manalo ang ilan pang mga guest doctors and dentists na boluntaryong naglaan ng oras.

Tampok din ang libreng mass wedding na personal na isinagawa ni Mayor Marcos. Maraming nagpapakasal na halos magkakaapo na, at mayroon ding mga nahihibang pa sa bagong tuklas na pag-ibig.

Isang malaking tipid sa panig ng mga kinakasal dahil minsanang handaan lamang at kung minsan, kapag may napaibig na isponsor ay binibigyan pa ng pera ang mga kinakasal .

Kasama rin sa serbisyo ang pagpaparehistro ng mga nagsisipag-asawa, kapanganakan at pagkamatay at ang mga ito ay pawang mga libre. Nitong nakaraang Agosto lamang ay mayroon ng libreng naitalang mahigit 1,000 kapanganakan sa RGM lamang.

Kabilang rin sa mga gawain ang pangongolekta ng buwis at iba pang mga bayarin. Mas gusto ito ng mga nakararaming nais magbayad dahilan sa hindi na kinakailangan pang bumiyahe ng malayo para kumuha ng application forms, pagkatapos ay maari pang bumalik ng napakalayo kapag may nakalilimutan. Ngayon, dahilan sa RGM na mismong sa barangay na ang pagpo-proseso ay napakalaki ang naging dulot na kaginhawaan sa mga kinauukulan . Dahilan sa isang buwan pa lamang ay naka-schedule na ang RGM, kung kaya’t halos handa na ang mga salaping nauukol sa mga bayarin.

Isang napakalaking kaginhawaan ito sa mga mamamayan ng Naujan. Bukod sa nagiging kapiling rin nila ang mismong Mayor Marcos ay kasama rin ang mga Kagawad ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice-Mayor Wilson A. Viray, at ang mga pinuno o kinatawan ng bawat tanggapan ng Pamahalaang Bayan. Sila rin nama’y nakakahalubilo ng mga taong barangay; maari ding tanungin tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa mga serbisyong iniaalok ng kanilang tanggapan.

Kaya’t ang gawaing ito ay tunay na nag-uugat sa diwa ng paglilingkod sa taumbayan. Bukod sa mga personal na donasyon ng Mag-anakang Marcos ay may mga kaibigan itong nagbibigay din para sa mga gastusin ng naturang gawain. Minsan ay may nag-abot ng halagang Php 50,000.00 para sa gawain na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Sadyang maraming naniniwala sa gawaing ito na ang pinakapuso ay batay sa puso ng mismong lingkod na may akda ng konsepto nito- Romar G. Marcos.(ESL/Menandro C. Gelena/MCR)

"First" Barangay Day, Ipinagdiwang

Kabilang sa selebrasyon ng kapistahan ng Patron San Nicolas De Tolentino ng bayan ng Naujan ay ang Barangay Day Celebration na ginanap noong ika-8 ng Setyembre sa Liwasang Bonifacio. Kaiba ang selebrasyon nito ngayong 2009 na araw isinagawa at hindi tulad noong mga nagdaang taon na gabi tuwing ito ay ginaganap.

Naging pangunahing panauhin sina Cong. Alfonso “PA” Umali, Jr. at Bokal Bonz Dolor sa hanay nina Mayor Romar G. Marcos, Hermano Mayor Nico P. Valencia, Vice-Mayor Wilson A. Viray at Sangguniang Bayan Members.

Pangunahing layunin ng pagdiriwang na maipakita ang pagkakaisa ng bawat barangay at ang kanilang pagsuporta sa Bayan ng Naujan sa pamamagitan ng pakikilahok at partipasyon sa lahat ng gawain dito. Naging masaya ang lahat at nakilahok sa mga palarong inihanda. Bawat distrito ay siguradong may naiuwing mga premyo mula sa mga palaro at raffle draw tulad ng groceries at bigas. Kabilang din sa mga ipina-raffle ang mga bag na naglalamanng mga gamit pangkusina na ipinagkaloob ni Gng. Chalie Valencia, butihing maybahay ng Kongresman ng Unang Distrito. Nangako rin si Cong. Boy Umali na pagkakalooban ng insurance ang lahat nang opisyales ng barangay mula sa Punong Barangay, 7 Kagawad, Kalihim, Ingat-yaman, at SK Chairman.

Isa sa pinakatampok sa selebrasyon ay ang paggawad ng Clean and Green Award sa pinakamalinis at luntiang barangay ng Naujan na napunta sa Barangay Sta. Cruz.

Ang maghapong gawain na dinaluhan ng lahat nang opisyales ng 70 barangay na binahagi sa 8 distrito ay naging matagumpay sa pangunguna ng pangulo ng Liga ng mga Barangay Kgg. Dominador Y. Bahia sa tulong ng Municipal Planning and Development Office. (MLGOO Amelia L. Ramos)

Bb. Naujan: Barcenaga's Krystal Dianne Bersoto


Mena G. Valencia Gymnasium. Itinanghal si Dianne bilang Bb. Naujan 2009 noong Setyembre 8, taung kasalukuyan pagkaraan ng dalawang araw na tagisan ng ganda at talino. Bumukod-tangi ang kinatawan mula sa Barcenaga nang makuha niya ang Ms. Photogenic, Best in Swimsuit, Best in Long Gown, and Best in Talent awards. Kaya’t itinuring siya bilang pinakamahiyas na binibini ng bayan sang-ayon sa mga criteria na pinagbatayan ng mga hurado. Sinundan siya nina Janine Cajayon ng Pagkakaisa, First Runner-up at Queen of DABALISTIHIT Festival; Ruby Jane Tordecilla ng Aurora, Second Runner-up; Laurenchi Fonte ng Santiago, Third Runner-up; at Kristal Grace Alzate ng Nag-iba, Fourth Runner-up. Naging bahagi rin ng nagnining-ningang mutya ng Naujan sina Daisie Rosary Enriquez (Ms. Congeniality) ng Pinagsabangan, Rubie Rose Bontia ng Kalinisan, Katrine Belino ng Antipolo, Wendell Escalona ng Apitong, Cindy Pasadilla ng Bayani, at Rosemarie Ruiz ng Mulawin.

Si Ms. Dianne Bersoto ay magsisilbing opisyal na kinatawan ng bayan ng Naujan para sa nalalapit na Search for Ms. Oriental Mindoro.

Naging matagumpay ang programa sa pangunguna ni Dr. Jocelyn Muli-Marcos, Bb. Naujan Committee Chairperson at sa tulong ng mga hurado na kinabibilangan nina Rodolfo Dapito sa bayan ng Gloria, Dianne Arevalo, Ms. Oriental Mindoro 2007, Orlando Tizon, Provincial Tourism Officer, Patty Montales mula rin sa Provincial Office, at si Atty. Lorybell Tanyag bilang Chairperson ng Board of Judges.

Tampok rin ang presensya nina Mayor Romar G. Marcos at John Nico P. Valencia, Hermano Mayor 2009 na parehong sumuporta sa nasabing programa.(Arnol M. Rosales/ESL)