Pages

Sunday, February 28, 2010

Baha sa Bayan Sinolusyonan:Tabang River Palalalimin

Oktubre 18, 2009. Sangguniang Bayan Session Hall. Nagkaroon ng pagpupulong ang Tanggapan ng Punumbayan Romar G. Marcos at ang mga nagmamay-ari ng mga lupa sa tabi ng Tabang River simula sa may tulay ng Brgy Andres Ylagan hanggang Brgy San Antonio.

Ang pagpupulong ay isang pagpapaalam ng pamahalaang bayan sa gagawing clearing operation sa naturang ilog na huling nalinisan noon pang panunungkulan ng yumaong dating Punumbayan Manuel Marcos Sr.



Ayon sa nakalap na impormasyon ng Punumbayan, ang magubat na ilog ay siya diumanong dahilan upang hindi na ma-absorb ang mga umaapaw na tubig-baha mula sa Mag-asawang Tubig River. Bagama't may plano ang pamahalaang panlalawigan na palalimin ang Mag-asawang Tubig sa oras na mayroon ng magagamit na dredging equipment, hindi na diumano, ayon kay Mayor Marcos makapaghihintay ang malalang sitwasyon sa mga barangay ng Santiago at Poblacion I. Ang palagiang pagbaha sa may Dulongbayan na lubos na nakaabala sa publiko ay nangangailangan na diumano ng agarang aksyon. Ito ay tumutukoy sa pagpapalalim ng naturang ilog upang magbigay daan sa tubig-baha na umaapaw mula sa Mag-asawang Tubig.

Ang clearing operation ay may 2 phase. Ang Phase 1 na tumutukoy sa kasalukuyang proyekto ay may nakalaang budget mula sa Calamity Fund na nagkakahalaga ng Php 350,765.00. Ito ay may aktibidad na pagtatabas ng magubat na ilog upang magbigay daan sa mga equipment ng munisipyo na makapasok at maisagawa ang clearing operation.


Ang gawain ay may aktibidad ng paghuhukay sa mabanlik na ilog na may iilan pang tumbang puno na nakahambala sa gitna at pagpapalawak ng mga makikitid na bahagi nito.

Ang sukat ng Phase 1 ayon sa Municipal Engineering Office ay naitaya sa 2.5 kilometro ang haba at may lalim na 1.5 metro at lawak na 2.50 metro bawat panig ng ilog. Ito ay sinimulan noong ika-19 ng Oktubre 2009 at kasalukuyang tinatabasan ang mga dadaanan ng heavy equipment. (ESL)

No comments:

Post a Comment

Nais mong magkomento?