Pages

Wednesday, February 24, 2010

CLIMATE CHANGE IGNORANCE: NAUJAN LUBHANG MAAAPEKTUHAN

Calapan City—naglunsad ng isang proyekto tungkol sa pagpapabatid ng dulot na panganib ng pagbabago-bago ng klima (climate change) ang National Economic and Development Authority (NEDA IV-B) bilang pakikipagtulungan sa United Nations (UN), noong ika-26 ng Nobyembre taong 2009. Ginanap ang nasabing gawain sa Filipiniana Resort Hotel, Calapan City na dinaluhan ni Executive Assistant Emmanuel C. de Leon.

Ang paglulunsad na ito ay naglalayong ilapit at ipabatid sa mga tao ang antas at nibel ng panganib sa kani-kanilang mga lugar. Dahil dito, ang Disaster Risk Reduction (DRR) at Climate Change Adaptation (CCA) ang pangunahing isyu sa nasabing pagpupulong. Sa pamamagitan ng pagmamapa ng mga delikadong lugar bunsod ng mga natural na kalamidad at pagbabago-bago ng klima, nagkaroon ng pagtatasa ng antas ng panganib ng kanya-kanyang lugar na kinabibilangan. Matapos ang syentipikong pag-aaral, nalagay sa mapa ng mga delikadong lugar sa rehiyong IV-B ang Silangang Mindoro bilang pinaka-dapat tutukang probinsya sa buong rehiyon na malimit naaapektuhan ng mga bagyo, lindol, at iba pang mga natural na kalamidad. Inilagay rin sa mapa ang bayan ng Naujan na kasama sa mga lugar na malimit maapektuhan ng baha tuwing tag-ulan. Kaugnay nito, nagkaroon ng masinsinang pagplaplano para sa posibleng maihatid na serbisyo ng pamahalaang bayan ng Naujan sa pakikipagtulungan ng NEDA at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Natapos ang nasabing pagpupulong sa pamamagitan ng isang paghamon at pagmumulat ni Director Oskar D. Balbastro (NEDA IV-B) na dapat maging sentro ng serbisyong pampubliko ang pangangalaga sa kalikasan at paghahanda sa mga kalamidad. (Emmanuel C. De Leon)

No comments:

Post a Comment

Nais mong magkomento?