Pages

Wednesday, February 24, 2010

Ulat sa Mayor's Cup 2009

Naging matagumpay ang isinagawang Mayor’s Cup 2009 na ginanap noong ika-21 ng Nobyembre hanggang Disyembre 20, 2009 na may kabuuang layunin ng paglinang ng mga kakayanang pang-isports ng mga kabataan at mga kababaihan. Layunin din nito ang pagtuklas ng mga taong taglay ang nasabing kakayanan upang maipag-ibayo tungo sa kanilang pagiging isang ganap na mga atleta.
Ang resulta ng naging programa ay ayon sa sumusunod:

Inter-barangay Women’s Softball League
Sa ika-3 pagkakataon, nakamtan ng San Agustin I Women’s Softball Team ang titulong kampeonato na matagal na nitong taglay. Pinangalawahan naman sila ng San Agustin II na nakakuha ng 1st Place; 2nd Place ang Pinagsabangan II, at 3rd ay ang Laguna.
Kabilang sa ligang ito ng 7 barangay ang mga koponang barangay ng Dao, San Isidro at Sta. Maria.
Naging tanyag ang mga manlalarong nakakuha ng parangal bilang Most Valuable Player (MVP)-Mischelle Ylagan ng San Agustin II; Most Defensive Player- Joy Garan ng San Agustin I; at Most Offensive Player-Rexy Vertucio ng Laguna.


Inter-High School Volleyball Girls
Namayagpag ang koponan ng Porfirio Comia Memorial National High School (COMEHI) dahilan upang masungkit nito ang kampeonato ng nasabing liga. Naging 1st Place naman ang Melgar National High School, at napunta naman sa Naujan Academy ang 2nd Place. Itinanghal namang MVP si Ms Jinky Sol ng COMEHI.
Kinilala at pinasalamatan ang partisipasyon ng mga koponan ng mga paaralan ng San Agustin National High School, San Agustin National High School Laguna Extension, Doroteo Jose Memorial National High School, Naujan Municipal High School, at Agustin Gutierrez Memorial Academy.

Badminton
Naging maiinit naman ang bakbakan ng lakas at galing ng iilang indibidwal na manlalaro ng kalalakihan at kababaihan. At dito’y nagpakitang gilas ang mga taga Nag-iba I na pagdating sa ganitong larangan ay hindi sila pahuhuli. Natapos ang torneo na nagresulta ayon sa sumusunod:
Badminton Boys Champion: Russel Papasin ng Bancuro; 1st Place: Ian Kristopher Sampang ng Nag-iba I
Badminton Girls: Champion: Kristine Joy Sampang ng Nag-iba I; 1st Place: Wennie P. Cabral ng San Agustin I.

Chess Tournament
Tampok naman ang tagisan ng galing ng mga kalalakihan sa patimpalak ng paggamit ng kaisipan sa laro ng mga grandmaster.
Nakuha ni Reniel Romero ng Montelago ang kampeonato na may papremyong 4,000.00; pinangalawahan siya ni Bernard Bongalos ng Poblacion III sa 1st Place na may premyong 2,500.00; at si Jerry Holgado ay nakakuha naman ng 2nd Place na may papremyong 1,000.00 sa kabutihang loob ni Engr. Ermelo Vertucio. Ang lahat ay may makukuhang trophy sa Enero 4, 2010 ng Araw ng Naujan. Ang iba ay tumanggap ng tig-200.00 bilang consolation prize. (ESL/ Marieta M. Panelo)

No comments:

Post a Comment

Nais mong magkomento?