Bagama’t malamig na ang panahon, hindi dapat ang puso ng bawat Naujeňo, lalo’t higit sa lahat, ang puso ng mga lingkodbayan. Hindi mapapatawad ang anumang pagmamaliw sa bahagi nating mga lingkodbayan. Binabayaran tayo ng taumbayan: ang munisipyo ay huwag nawang gawing tambayan. Ang perang ipinasasahod sa atin ay dapat suklian ng mga serbisyo sa posisyong ating ginagampanan.Sa petsa ng pagkasulat nito (Nobyembre 5, 2009, Biyernes), nasa ospital pa rin ang Punumbayan Romar G. Marcos. Hindi pa makakalabas dahi pinagbawalan ng mga manggagamot niyang kapatid (Dr. Manuel G. Marcos Jr.) at asawa (Dr. Jocelyn Muli-Marcos). Humirit daw kasi ng kaunting sandaling lumabas sa ospital para pumasok sa trabaho. Kaya’t itinakdang sa Nobyembre 11 pa ng isang linggo ang kanyang paglabas.
Nagpanabay ang over-fatigue at amoeba infection sa Punumbayan. Madalas madaling araw na kung umuuwi si Mayor Marcos galing sa trabaho. At kung saan aabutin ng kainan sa barangay ay doon na rin mismo kumakain at umiinom ng tubig. Kaya ganito ang inabot ng Punonglingkod.
Magdadalawang linggo ng may tatlong uri ng rasyong tinatanggap ang Punumbayan sa loob ng ospital: pagkain, pasalubong, at gabundok na dokumentong aaksyunan.
Sadyang ganyan ang paglilingkod sa taumbayan. Kapag ang puso ay nakatuon sa paglilingkod ng nasasakupan, puwedeng pigilan pero hindi nahahadlangan.
Mahalaga ang alab sa puso ng bawat Naujeňong lingkodbayan. Sa atin nakasalalay ang tibok ng puso ng Pamahalaang Bayan- ang HEARTS flagship program.
Mahalaga ang bawat elemento ng HEARTS sa ehekutibo at administratibong mga serbisyo ng munisipyo. Kaya’t laging abangan ang seksyon ng Naujan HEARTS Center ng pahayagang ito. Maaring rebyuhin ng mambabasa rito ang bawat elemento ng flagship program. Mayroon ding seksyon sa Public Forum, ang Pulso ng Puso! Maaring makilahok sa palitan ng mga kuro-kuro sa layunin ng pagpapaibayo ng kaunlaran ng ating bayan. Ito ay pagkakataon ng mga mambabasa na mapulsuhan ang naging epekto ng HEARTS sa komunidad ng mga barangay at iba’t ibang samahan ng mga Naujeňo.
Sa centerfold ng pahayagang Naujanews ay makikita ang mga updates ng Responsibong Gobyerno ng Mamamayan (RGM). Mahalaga ang RGM dahil ito ang frontliner ng HEARTS. Dito makikita ang mga larawan at ulat ng mga pangyayari sa barangay habang hinahatid ng munisipyo ang mga serbisyo nito doon mismo sa mga barangay. Napakalaking ginhawa ang naidudulot nito sa mga kababayan natin sa barangay lalong-lalo na yaong mga nasa mga liblibang lugar. Matipid, mabilis at maraming libre kapag sa barangay ginaganap ang mga transaksyon ng munisipyo.
Malaking sakripisyo sa bahagi ng mga empleyado ang sumama sa mga kabarangayan. Pero ang sabi nila, hindi raw alintana ang pagod at hirap dahil Masaya diumano ang makitang nakapaglingkod sa mga kapwa Naujeňo sa barangay.

Sadyang walang humpay ang ganitong gawaing paglilingkod ng pamahalaang bayan. Nitong pagkasulat lamang nito, bagama’t hindi kapiling sa RGM ang may karamdamang Punumbayan, ay tuloy pa rin ang mga kawani sa mga kamangyanang barangay ng Caburo at Banuton. Pinangunahan ng Administrador, Joefel C. Ylagan ang dalawang (2) araw na stay-in activity, matapos lamang ang pagsisilbi sa dalawang barangay na menos ang gastos.
Sadyang ganito ang mga challenges na kinakaharap ng mga frontline activities ng alinmang mga gawain. At hindi naman lahat ng mga empleyado ang dumadanas ng ganitong hirap. Mahalaga lamang sa bawat isang lingkodbayan ang maging tapat sa mga tungkuling inatas sa atin. Sapat na ito bilang bahagi ng pagpapaibayo ng PUSO ng Pamahalaang Bayan– ang HEARTS. (ESL)
Ang 3 outpost ay nagkakahalaga ng Php 893,000.00 mula sa pondo ng 20% Development Fund (Law Enforcement Program) at ng Other Infrastructures ng Office of the Municipal Engineer. Ang 2 yunit na nakalagay sa mga highway boundaries ay may sukat na 10 feet x 8.5 feet at nagkakahalaga ng Php 244,000.00 ang bawat isa. Ang isa na nasa Curva ay may sukat na 20 feet x 8.5 feet at nagkakahalaga ng Php 405,000.00. (ESL)
Ang proyektong ito ay isinasagawa 2 beses sa loob ng isang taon ng mga Midwife ng munisipyo sa mga Barangay Health Centers. At kung kinakailangan ay mismong sa mga sambahayan dinadala ang mga serbisyo sa tulong ng mga Barangay Health Workers (BHW). Isinasagawa ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng pamimigay ng Vitamin A at Abendazole 400 mg single doze (deworming) sa mga batang may 6 hanggang 71 buwang gulang.

Ang pagpupulong ay isang pagpapaalam ng pamahalaang bayan sa gagawing clearing operation sa naturang ilog na huling nalinisan noon pang panunungkulan ng yumaong dating Punumbayan Manuel Marcos Sr.
Ang clearing operation ay may 2 phase. Ang Phase 1 na tumutukoy sa kasalukuyang proyekto ay may nakalaang budget mula sa Calamity Fund na nagkakahalaga ng Php 350,765.00. Ito ay may aktibidad na pagtatabas ng magubat na ilog upang magbigay daan sa mga equipment ng munisipyo na makapasok at maisagawa ang clearing operation. 

Ang taunang Buwan ng mga Munting Bata noong Oktubre 20, 2009 sa Mena G. Valencia Gymnasium sa temang “Bright Child: Proteksyon ng Bata, Pananagutan ng Bansa.” Dinaluhan ito ng lahat ng mga batang nag-aaral sa Day Care Centers, kani-kanilang mga Day Care Workers, mga magulang ng mga batang Day Care at mga opisyales ng barangay sa bayan ng Naujan. 



Matatandaang itinanghal na isa sa sampung pinakamahusay ng KAB Scout-That’s My Boy 2009 ng Rehiyong Katimugang Tagalog (CALABARZON at MIMAROPA) si Ivanne Benhur M. Briones ng ikatlong baitang sa Mababang Paaralang Pangala-ala kay Jose L. Basa na ginanap noong ika-18 ng Setyembre taung kasalukuyan sa Siyudad ng Antipolo, kung saan sa may 32 kalahok ay ginawaran siya bilang “Pinakamahusay sa Pagpapakita ng Talento” (Best in Talent). Siya ay anak nina Noel Briones at Pamela Mercado-Briones ng Poblacion 1, Naujan.





