![]() |
Megan Tristine Atienza, Bb. Naujan '13 |
Mula sa inisyal na 36 kandidata
ng Binibining Naujan, lumitaw si Megan Tristine Atienza buhat sa Poblacion III
upang koronahang Bb. Naujan 2013 at maging kinatawan para sa Search for Ms.
Oriental Mindoro sa darating na Nobyembre 2013.
Pagkatapos
ng tagisan ng kagandahan, talento at talino ng 14 finalist nakuha ni Ms. Atienza ang Best in
Talent at Bread and Butter’s Choice Award at tinanghal bilang Bb. Naujan ‘13.
Dapat ipagmalaki at
suportahan si Megan dahil siya ay isang simbolo ng kayamanan at dilag ng
bayan-ang mga naggagandahan at may hiyas na mga binibini ng Naujan; kinatawan
natin sa darating na Araw ng Silangang Mindoro.
Sa inisyal na screening and orientation sa Ms. Oriental Mindoro, isa si
Megan sa napipisil na may kakayanang magtagumpay. Maging sa mga likes sa Facebook, siya ay na-ngunguna.
Kaya’t malaki ang pag-asang tuloy tuloy ang kanyang pagniningning hanggang sa
panlalawigang patimpalak.
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?