Pages

Tuesday, September 3, 2013

KAUNA-UNAHANG KARERAHAN NG KALABAW AT HAND TRACTOR ISINAGAWA SA SANTIAGO

Ang kalabaw at handtractor ay ginagamit sa bukid katuwang ng mga magsasaka sa kanilang paghahanapbuhay. Ngunit tulad ng mga tao na nagpapahinga kapag may espesyal na okasyon tulad ng piyesta, ang iilang kalabaw sa Barangay Santiago at mga traktora ay hindi lamang nagpahinga mula sa kanilang nakaugaliang mga gawain; sila’y kasali pa sa mga paligsahan at bumida sa karera ng mga kalabaw at handtractor.


Maaga pa lamang ay nakahanda na ang mga kalabaw at handtractor na sasabak sa karera kasama na ang mga hinete para magpatala. Naunang sinimulan ang karera ng handtractor na may apat (4) na kalahok. Ito’y sinundan ng karera ng limang (5) kalahok na mga kalabaw. Isang ikot sa oval ang tatakbuhin ng karera at paunahang makabalik sa  pinagmulan na siya na ring finish line. Kanya kanyang “manok” ang mga manonood na tuwang-tuwa sa mga eksena. Naging maganda pa rin ang labanan kahit na mayroong nahulog na hinete na hindi naman tumigil hanggang makarating sa finish line.


Sa huli ay tinanghal na kampeon si Delfin Mendoza para sa karera ng handtractor at si Dexter Lagrana naman sa karera ng mga kalabaw. Parehong nag-uwi ang dalawa ng tig-P2,800.00 mula kay Vice Mayor Henry Joel C. Teves. Ang iba ay tumanggap ng  consolation prizes. 
Naging matagumpay ang kauna-unahang karera. Ipinangako ni Vice Teves na taun-taon na itong gaganapin sa Barangay Santiago kaugnay ng pagdiriwang ng kapistahan ng barangay. (NTB)




1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete

Nais mong magkomento?