Itinalaga ni Mayor Mark N. Marcos si Police Chief Inspector
Neil Ronquillo Apostol
bilang bagong Hepe ng PNP Naujan Station noong ika-1 ng
Agosto 2013.
![]() |
PCI Neil R Apostol, Chief of Police, Naujan,
Oriental Mindoro
|
Bago siya na-assign sa
sarili niyang bayan, siya ay naglingkod sa iba’t-ibang bayan ng Silangang Mindoro tulad ng 411
Provincial Mobile Group na nakabase sa Bongabong na sumasakop sa dulong hilaga
ng Silangang Mindoro tulad ng Bansud, Bongabong at ROMANBUL ( Roxas, Mansalay at Bulalacao ). Naglingkod din siya bilang
Hepe ng Kapulisan ng Bansud, Victoria, Gloria at Puerto Galera at nagsilbi rin
sa iba’t-ibang lalawigan kagaya ng Romblon.
Nagtapos ng kursong B.S.
Criminology sa Philippine College of Criminology; panglima sa anim na
magkakapatid. Siya ay ipina- nganak sa Poblacion 1, Naujan Oriental Mindoro ng
mag-asawang Eusebia Manalo Ronquillo at Rogelio Melgar Apostol noong ika-24 ng
Marso 1971.
Noong Agosto 5, 2013 sa Flag
Raising Ceremony, ibinigay niya ang kanyang talumpati sa harapan ng kawani ng
Pamahalaang Bayan ng Naujan na nagsasabi:
“An engineer will not
abandon his house, so that his project may be built; a lawyer will not let
himself to be jailed, so that his client
may be set free; a doctor will not commit suicide so that his patient may survive. But, Mamang Pulis will lay
down his life, so that others may live.”
Tampok din sa naturang aktibidad
ang presentasyon ng tatlong opisyal at labingpitong kawani ng Pulisya sa ilalim
ng Field Training Program (FTP) ng PNP. Ang mga ito ay sina PInsp Edwin A.
Bautista, PInsp Chisi F. Faderagao,
PInsp Clarms C. Mutia, PO1 Alexander C. Abad, PO1 Neil Aldrin Z. Abis, PO1
Allan Rey V. Alimane, PO1 Mark Anthony
M. Anos, PO1 Rommel D. De Leon, PO1 Mark
Jay M. Dela Torre, PO1 Junnery P. Omagap, PO1 Honorato G. Gatpatan, PO1
Vernice P. Arzaga, PO1 Sulitta A. Bacosa, PO1 Mary Novie P. Ladica, PO1 Annalyn
F. Macdon, PO1 Jeanne M. Osacdin, PO1 Kristine Kaser A. Osorio, PO1 Reothel A. Paderan, PO1 Concepcion
T. Sabuya at PO1 Lolica M. De la Serna. (Gemma Ricafrente/Mario
Martinez)
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?