Pages

Sunday, February 28, 2010

Garantisadong Pambata 2009


Tuloy-tuloy pa rin ang pakikibaka ng Municipal Health Office (MHO) para sa kaligtasan ng mga bata laban sa mga impeksyon, sakit, at higit sa lahat ay ang pangangalaga ng kanilang mga mata. Ito ang programang tinaguriang “Garantisadong Pambata” na kasalukuyang nagpapatuloy mula nang ang pangalawang pagbibigay nito ay sinimulan nitong nagdaang buwan ng Nobyembre.

Ang proyektong ito ay isinasagawa 2 beses sa loob ng isang taon ng mga Midwife ng munisipyo sa mga Barangay Health Centers. At kung kinakailangan ay mismong sa mga sambahayan dinadala ang mga serbisyo sa tulong ng mga Barangay Health Workers (BHW). Isinasagawa ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng pamimigay ng Vitamin A at Abendazole 400 mg single doze (deworming) sa mga batang may 6 hanggang 71 buwang gulang.

Ang programa ay nasa ilalim ng HEARTS Program ng Mayor Romar G. Marcos at sang-ayon sa Development Vision ng Naujan na nagsasabi: “By 2010, Naujan shall be a community of healthy citizenry”. (Analor M. Alcaraz)

No comments:

Post a Comment

Nais mong magkomento?