“Siya na ang hari
ngayon, masusunod na ang gusto niyang mangyari.” Ito ang sabi noon ng alipores
ng isang kauupong Mayor (hindi si Mayor Mark Marcos) ng Naujan.
Hari nga ba ang isang Mayor? Public servant o lingkod-bayan,
yes. Pero kung public figure na siyang pagsisilbihan, maraming
magtataas ng kilay niyan.
Parang hari lang ang Mayor dahil siya ang center of
attraction sa munisipyo. Puwedeng magmistulang hari ang Punong Ehekutibo
kung gugustuhin niya o depende sa kaniyang leadership style, huwag lang lumabag ng
anumang batas.
Sa bagong upong Mayor Mark N. Marcos, tila mahirap makita ang
mag-astang hari. Nanawa na kaya sa paggalang na kanyang tinanggap noong siya ay
hukom pa? Hindi natin alam. Pero siguradong alam ng mga empleyado na alam niya
ang RA 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Dito
nakasaad ang mga guidelines kung papaano umasal ang mga empleyado at opisyales
ng gobyerno sa kanilang paglilingkod sa publiko. Nariyan din ang Philippine
Constitution of 1987 at Local Government Code of 1991 na naglalaman
ng mga impormasyon para sa pagpapatakbo ng lokal na pamahalaan. Isang baliw
lamang ang magtatanong kung alam ba nito ng isang abogado.
Kapag sinunod ng isang Punong Ehekutibo ang mga nasabing
batas, ito ay magreresulta sa isang pamumunong may puso sa paglilingkod sa
pamayanan; patas at walang tinatanging serbisyo na hindi tumitingin sa
partidong kinaaaniban.
Sadyang pagdami ng butil ng uhay, ganun kalapit sa lupa ang
yukod nito. Mataas man ang pinag-aralan ng abogadong Punumbayan, malapit sa
kanyang damdamin ang mga nagdarahop. Kahandaan sa paglilingkod sa mga mabababa
sa lipunan ang makikita sa kanya. Anupa’t nang makita ang kanyang sinseredad na
pahalagahan ang paglilingkod kaysa pulitika, nabighani ang mataas na opisyal
mula sa katunggaling partido na samahan siya sa tunguhing paglingkuran ang
pamayanan ng Naujan. Sa mga bibig mismo ni Vice Mayor Henry Joel C. Teves
nagmula ang mga kataga na sasamahan niya si Mayor Marcos maging sa 2016. Ito ay
nangyari sa loob lamang ng wala pang 2 buwan! “Iyan ang matagal na naming
hinihintay.” Sabi ng ilang mga Kapitan ng barangay. Ganun kabisa ang serbisyong
nagmula sa puso, nakakahawa.
Makikita rin ‘yan sa hinirang niyang administrador ng bayan,
Angel M. Navarro. Ang huli ay nagpahayag ng kanyang pamantayan sa serbisyo
publiko ng mga kawani ng munisipyo. Parang napakataas ng kanyang standard;
pero kung babalikan lamang ang batas na unang nabanggit, tama lamang at hindi
naman nanghihingi ng labis na paglilingkod.
Noong Agosto 22, 2013 hinati-hati ng ama ng bayan ang 20%
Development Fund sa kanyang mga anak sa barangay. Hating-kapatid ang mga
barangay sang-ayon sa
pangangailangan, anumang partido ng kani-kanilang mga kapitan. Karamihan sa mga
proyekto ay imprastraktura. Ang laki ng pondo ng bawat proyekto ay sang-ayon sa
pangangailangan at hindi sa partidong
kinaaniban.
Mabilis rin ang aksyon sa paghahanda ng lideratong Makoy
Marcos. Unang linggo pa lamang plantsado na ang kanyang GO HEARTS Executive
Agenda. Totoong hindi agarang maaksyunan ang lahat na kahilingan noong unang mga
linggo niyang pag-upo . Wika nga ng Administrador Angel Navarro, “We’re
barely two weeks.” Dahil kinakapa pa ang mga nakasalang nang mga programa
at utay-utay na ngayong pinatutupad.
Barely two months pa
lamang simula no’ng umupo ang bagong liderato, tapos na ang deliberasyon sa
Municipal Development Council (MDC) para sa pag-apruba ng Annual Investment
Plan 2014.
Kapag buhat sa puso ang paglilingkod, magiging ipisyente at
mabisa ang mga serbisyong maibibigay. Sinimulan ito ni Mayor Makoy, walang
dahilan para hindi sundan ng mga kawani ng munisipyo hanggang sa mga opisyales
ng bawat barangay.
GO Servant HEARTS!
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?