Wednesday, June 9, 2010
Mayor of Naujan, Oriental Mindoro Passed Away
Friday, April 23, 2010
Mga Hamon sa Bayan, Laging may Pag-asang Matugunan

Sa pagpasok pa lamang ng bagong taon, sinalubong kaagad tayo ng isang hamon na huli nating naranasan 17 taon na ang nakalipas.
Ganunpaman, ang hirap na ating dinanas ay hindi katulad noong 1993 dahil mistulang nasanay na tayo sa baha. Simula nang maitayo ang gabion sa Barangay San Andres noong 2006, lagi na tayong nakararanas ng baha dito sa ating bayan.
Ilang beses ko nang idinulog sa mga kinauukulang ahensya ang kaugnayan ng problema sa baha sa itinayong gabion. Ngunit ang mga ito ay pawang hindi natugunan.
Mahirap mang tanggaping tayo ay naging tapunan ng tubig-baha, kinakailangan nating tanggapin na ito ay isang hamon na dapat harapin: kahit na ito ay hindi natin ginusto at ni hindi rin bunga ng ating sariling pagkakamali.
Dahilan sa maraming beses na silang nabigong mabawi ang mga napuhunan, dumaing ang ilan sa kanila ng tulong sa ating pamahalaang bayan. Ilang beses nang gumastos ang munisipyo para sa subsidy ng mas murang halaga ng mga binhi at fingerlings o paligaw; namigay rin tayo ng mga ito makabawi lamang ang mga Naujeňong lubos na naapektuhan. Ngunit marami pa ring dumadaing.
May ulat ang Tanggapan ng Pambayang Pansakahan na marami sa mga naipamigay at na-subsidize na mga binhi at paligaw ay naglahong parang mga bula dahil lumubog sa baha. Ilang ulit na itong nangyari simula nang ako’y umupo noong 2007.
Pagpasok ko sa panunungkulan sa munisipyo ay mistulang pagod na mga halimaw ang ating mga heavy equipment. Ang kaunting bilang ng mga ito ay nahirapang tugunan ang pagsasaayos ng mga kalsada, tulay at ilog na nasira ng tubig-baha. Maraming nagsasakripisyo sa mga manlalakbay na mga mangangalakal at mga empleyado dahilan sa mga sira-sirang mga daan. Tinugunan ang suliraning ito ng ating pamahalaang bayan kaya tayo nakabili ng karagdagang heavy equipment. Maging pondo para sa sasakyan ng inyong lingkod ay ibinaling sa pondong pambili ng heavy equipment. Ito ay nangyari sa dalawang pagkakataon matustusan lamang ang panga-ngailangan ng pagsasaayos ng mga kalsadang nasira ng baha. Ngunit ang baha ay mistulang namimihasa hanggang dumating itong huling pagbaha.
Hangad nating makapaglunsad ng kaunlaran sa ating bayan, ngunit papaano mangyayari ito kung lagi na lamang tayong sinasalasa ng baha. Ganunpaman, dahil lumalabas na ang mga katugunang naibigay ng Pamahalaang Bayan ng Naujan ay hindi umabot sa ugat na suliranin, nangangahulugang may malaking pag-asang maibalik ang Naujan sa dating kalagayan nito.
Ang pinakaugat ng suliranin ng baha sa Naujan ay ang gabion na pinayagang maitayo ng naunang administrasyon. Ang pagtuwid ng pagkakamaling iyon ay labas sa kakayanan ng aking kasalukuyang pamunuan. Ito ang pinakamalaking hadlang ng ating pamahalaang bayan na dapat malagpasan. At dito ay mayroon pa ring malaking pag-asa.
Sa kasalukuyan, nilalakad ng aking administrasyon ang solusyong makapagbibigay ng ganap na katugunan sa suliranin ng baha. Isa na rito ang pagpapalalim ng mga kailugan. At higit sa lahat, ang legal na pagwawasak ng gabion.
Patnubayan nawa tayo ng Poong Maykapal.
PANITIKANG NAUJEÑO
Ang bayan ng Naujan ay kaiga-igaya
Nandiyan ang mga tanawin sa tuwi-tuwina
Ang mga mamamayan ay nakikibaka
Sapagkat ang kalikasa’y pinagtatanggol nila.
Ang mga mamamaya’y naging responsibo
Sapagkat ang mga namumuno’y disiplinado
Susuungin ang bawat problema ng tao
Sapagkat ang Punumbayan ay laging suportado.
Mga panganib, trahedya, at aksidente
Nangyari at naramdaman ng mga Residente
Ang bawat pangangailangang ‘sinumite
Ay pinunan ng Sang guniang Bayan at Alkalde.
Bagong Naujan namayagpag ang katuwiran
Simula nang manungkulan ang bagong pamunuan
Nagkaroon ng matapat na Punumbayan
Noon hanggang ngayon nagpatuloy ang kaunlaran.
(Aneste U. Evangelista)
ARAW NG NAUJAN, MULING IPINAGDIWANG

Ang nasabing gawain na karaniwang isinasagawa tuwing ika-4 ng Enero taun-taon ay dinaluhan ng iba’t ibang sektor ng pamayanan ng bayan mula sa edukasyon, youth, senior citizen, opisyales ng barangay, kababaihan, atbp. bukod sa mga taga munisipyo.
Naging bahagi sa nasabing okasyon ang mga Naujeñong may malaking nai-ambag sa kaunlaran ng bayan tulad nina RGV at mga katangitanging anak ng Naujan na nakatanggap ng parangal sa nasabing okasyon. Ang huli ay kinabibilangan nina Ms. Jenelyn Baylon na kilala sa kanyang pagiging Most Outstanding Mobile Teacher sa buong bansa; si Gng. Celeste Frias na dating guro ay pangulo ng Hardin Inc. na nagtataguyod ng pangangalaga ng kapaligiran at nagmamay-ari ng Benilda sa Bancuro; si Gng. Susana Marasigan Bautista na siyang OIC Assistant Schools Division Superintendent ng DepEd Oriental Mindoro ay nagkamit ng Outstanding Grade 6 Teacher Award.Tampok rin ang paggawad ng parangal kay Mayor Romar Marcos na nagmula sa Bureau of Fire Protection para sa naging bahagi niya sa pagpapaangat ng kalidad ng mga pasilidad ng pamatay sunog sa bayan.

Ang HISTORICAL QUIZ na pinangasiwaan naman ng komiteba ni Bb. Gina DC Patling ay naglalayong maitaguyod ang kaalaman ng mga Naujeño sa kasaysayan ng bayan. Nangunguna sa nasabing patimpalak ang mga koponang paaralan ng sekondarya: Naujan Academy bilang kampeon at Doroteo S. Mendoza Sr. Memorial National High School bilang runner-up; at ng elementarya: Naujan East District I-kampeon at Naujan West-runner-up.
Tampok rin ang GABI NG KASIYAHAN na pinamunuan ni Kon. Marion Marcos. Naging matagumpay ang nasabing gawain (kasama na ang Basketball ng mga Bading) sa pamamagitan ng pakikipagtulungan niya kila Cong. RGV, Sen. Villar, Gov. Panaligan, Cong. Umali, Mayor Aranas, Great Delos Reyes, Carlo Malabanan at Ginebra San Miguel upang makalikom ng pondo na nagkakahalaga ng 65,000.00 plus promotional goods. Layunin ng programa hindi lamang ang i-entertain ang mga Naujeño, kundi’y maging ang pagtuklas ng kanilang mga hiyas.

Ipinamalas din ng pamahalaang bayan na hindi lamang sa kasiyahan at patimpalak nakatuon ang pagdiriwang. Ang selebrasyon ay mayroon ding mga aktibidad sa serbisyo-publiko at kaunlaran. Sa TRADE FAIR/EXHIBIT ay nagpagalingan ang mga distrito ng iba’t ibang barangay sa bayan sa pamamagitan ng mga booth na may naka-display na iba’t ibang produktong karamihan ay agro-industrial; ang mga kawani ng Municipal Health Office kasama na ang medical team ng Philippine Army at mga boluntaryong doktor ay abala sa isinagawang MEDICAL and DENTAL MISSION. Naging abala naman ang Public Employment Services Office (PESO) sa ilalim ng pangangasiwa ni Louie Pesigan sa pagtala ng mga kababayang naghanap ng trabahong lokal at pang-abroad sa pamamagitan ng isinagawang Jobs Fair.
Bagaman at naging makulay at masaya ang pagdiriwang sa nasabing okasyon, nanatili pa ring palaisipan sa mga Naujeño ang tunay at ganap na araw ng pagkakatatag ng bayan ng Naujan.
Thursday, April 22, 2010
PANUNUNGKULANG LOKAL LOHIKA AT TAONG BAYAN
Hindi nagpabaya ang kasalukuyang punumbayan ng Naujan, Mayor Romar G. Marcos, sa nakakaalarmang sitwasyon ng pagbaha. Simula pa lang ng kanyang panunungkulan, inorganisa na niya ang Municipal Disaster Coordinating Council (MDCC) na naglalayong magpatupad ng kahandaan sa mga kalamidad at masusing pag-aralan ang mga dahilan ng kalamidad partikular na ang pagbaha. Kaya nga, isa sa mga rekomendasyon ng MDCC sa DPWH, partikular kay District Engineer Simplicio D. Gonzales ang masusingpag-aralan ang dahilan ng paulit-ulit na pagbaha sa maraming mga barangay ng Naujan. Subalit, nananatiling bingi ang kasalukuyang Pamahalaang Panlalawigan sa nasabing rekomendasyon.
Dahil dito, nagpadala ng ilang mungkahi si Mayor Marcos sa Pamahalaang Nasyunal ng Pilipinas kaugnay ng hindi matapos tapos na problema sa pagbaha sa bayan Naujan. Una, ang muling pagtatanim ng puno sa nakakalbong kagubatan ng Mt. Ibulo at Mt. Bato na ihinahain sa DENR; pangalawa, dredging at desilting o muling pagbubungkal at pagpapalalim ng mga ilog ng Mag-asawang Tubig, Bucayao, at Panggalaan para naman sa DPWH; at pangatlo, pagwasak sa Gabion dike mula sa kasalukuyang sukat na tatlong (3) metro patungo sa suhestyong dalawang (2) metrong taas upang paghati-hatian ang tubig-ulan na nanggagaling sa kabundukan patungo sa mga ilog ng Mag-asawang Tubig, Bucayao, at Panggalaan na gagampanan rin ng DPWH.
Hanggang sa kasalukuyan, libu-libong pamilya ang nawawalan ng maayos na tirahan. Milyun-milyon ang halaga ng napipinsala sa agrikultura, imprastraktura, kabuhayan, at marami pang iba. Simple lamang ang lohika. Kaunting pagbalik lamang noong mga taong wala pa ang naturang gabion at malalaman na natin ang sanhi ng pagbabaha. Hindi dapat magsakripisyo ang bayan ng Naujan para lamang sa ikagiginhawa at ikagagaling ng ibang bayan. Sabi nga ng Santo Papa Juan Paulo II, “ang buhay ay kailangang protektahan simula sa sinapupunan hanggang sa oras ng kanyang natural na kamatayan.”
Ang bayan ng Naujan ay nangangalaga sa kapakanan at kagalingan ng buhay ng taong bayan. Ang bayan ng Naujan ay hindi pumapayag kailanman na masakripisyo ang buhay at kabuhayan ng mga Naujeño para lamang sa kaalwanan ng ibang bayan. (Emmanuel C. De leon)
RGM TULOY ANG PAGPAPATUPAD

Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga taong barangay ng Naujan, tuloy tuloy ang paghahatid ng mga libreng serbisyong medikal, dental, pang-agrikultura, panlipunan, pagpapatala ng kapanganakan, kasal at kamatayan, paniningil ng buwis, pagtataya ng buwis ng lupa, pagbibigay ng lisensya at permiso at iba pa.
Pakikiisa ng mga Propesyonal
Pinasalamatan ng Punumbayan ng Naujan, Romar G. Marcos, ang pakikiisa ng maraming ahensya ng pamahalaan at mga pribadong mamamayan sa RGM. Naging katuwang sa nasabing gawain ang Sangguniang Bayan at iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Bayan ng Naujan. Gayundin, lubusan ang pakikiisa ng 203rd Infantry Battalion sa paghahatid ng mga serbisyo sa taong bayan. Hindi rin matatawaran ang kusang-loob na paglilingkod ng ilang Naujeňo tulad nina Dr. Edgar Llamar, Isagani Conti, at Kap. Dionisia Trinidad sa pakikiisa sa mga gawaing medikal. Sabi nga ng isang hindi nagpakilalang napagkalooban ng serbisyo, “Malaking tulong sa aming mga hindi kayang magpagamot sa mga pribadong ospital ang RGM.” Kitang kita rin ang pakikiisa ni Vilma Vargas sa mga usapin ng kababaihan at ilang gawaing sibiko. Palagian rin ang pakikiisa ni Great delos Reyes sa mga gawaing may kinalaman sa Imprastuktura sa mga barangay na binibisita ng grupo ng RGM. “Hindi magiging ganap ang adhikain ng RGM kung wala ang pakikiisa ng taong bayan,” wika ng Pangalawang Punumbayan Wilson A. Viray.
Pagbisita sa mga Barangay
Tulad ng nakasanayan, bibisita ang grupo ng RGM sa mga barangay at maghahatid ng mga serbisyo ng munisipyo tuwing Martes at Huwebes. Ang kaibahan naman sa RGM 2010 ay ang clusterized na iskedyul.
Isang barangay ang pagdarausan ng gawain na lalahukan ng ilang kalapit barangay upang sa ganun ay hindi masayang ang panahon na ginugugol at lalong maging makabuluhan ang pakikipagdaupang-palad sa mga taong barangay. ( Emmanuel C. De Leon)
Baha sa Naujan“...Man-made calamity..”

Enero 17-18, 2010. Sinalasa ng baha ang bayan ng Naujan na nagpalubog ng 46 barangay, puminsala ng Php 18 Milyong halaga sa agrikutura at imprastraktura at kumitil ng 2 buhay. Ang sunud-sunod na pagbaha sa Naujan ay nagsimula nang maitayo ang gabion noong taon 2006.

Mag-asawang Tubig River na patungong Naujan. Subalit noong ito ay naitayo, naging tatlong metro na ang taas.Dagdag pa ng Punumbayan na pagkatapos na mayari ang proyekto, dumanas na ng sunud-sunod na pagbaha ang bayan ng Naujan.

Monday, March 1, 2010
CABURO, BANUTON: Salaysay ng Paglalakbay,Ang Pagtatapos
Sa mensahe ng Punumbayan Romar G. Marcos, sinabi niyang kailangang labanan ang corruption na sa halip na paglilingkod sa publiko ang dapat paiiralin ay pagpapahirap sa taumbayan ang magiging kahihinatnan. Naniniwala diumano siya na kapag walang corruption ang isang bayan, madaling makita ang kaunlaran. Sinabi rin ni Mayor Marcos na magiging malinis lamang ang pulitika kung malinis din ang isang pulitiko. Kaya’t sa kanyang panunungkulan, makakaasa ang pamayanan ng isang malinis, makatao, at makakalikasang paglilingkod.
Bagaman at hapon na nang matapos ang naturang gawain ay bakas pa rin sa mga mukha ng grupo ng RGM ang tuwa at saya hindi dahil sa natapos na ang nakakapagod na programa kundi’y dahilan sa naging kabahagi sila ng makasaysayang 10-buwang aktibidad. Kapansinpansing hindi na isinali ang 3 barangay ng Poblacion sa kadahilanang dito mismo naka-base ang mga serbisyong taglay ng RGM.

Maraming mga taong naging kabahagi ng RGM kasama na yaong mga boluntaryong nagpagal upang alalayan ang mga empleyado ng munisipyo na siyang nagpapatupad ng nasabing programa. Bagama’t ang mga pangalan nila ay tiyak na nararapat iimprinta sa tinta’t papel, mas mamarapatin nilang manatiling nakatatak ang mga ito sa puso ng mga kapwa Naujeñong kanilang napaglingkuran. (Nelson De Guzman/ESL)
Sunday, February 28, 2010
“PUSO NG PAMAHALAANG BAYAN NATIN, PAG-IBAYUHIN!”

Sa petsa ng pagkasulat nito (Nobyembre 5, 2009, Biyernes), nasa ospital pa rin ang Punumbayan Romar G. Marcos. Hindi pa makakalabas dahi pinagbawalan ng mga manggagamot niyang kapatid (Dr. Manuel G. Marcos Jr.) at asawa (Dr. Jocelyn Muli-Marcos). Humirit daw kasi ng kaunting sandaling lumabas sa ospital para pumasok sa trabaho. Kaya’t itinakdang sa Nobyembre 11 pa ng isang linggo ang kanyang paglabas.
Nagpanabay ang over-fatigue at amoeba infection sa Punumbayan. Madalas madaling araw na kung umuuwi si Mayor Marcos galing sa trabaho. At kung saan aabutin ng kainan sa barangay ay doon na rin mismo kumakain at umiinom ng tubig. Kaya ganito ang inabot ng Punonglingkod.
Magdadalawang linggo ng may tatlong uri ng rasyong tinatanggap ang Punumbayan sa loob ng ospital: pagkain, pasalubong, at gabundok na dokumentong aaksyunan.
Sadyang ganyan ang paglilingkod sa taumbayan. Kapag ang puso ay nakatuon sa paglilingkod ng nasasakupan, puwedeng pigilan pero hindi nahahadlangan.
Mahalaga ang alab sa puso ng bawat Naujeňong lingkodbayan. Sa atin nakasalalay ang tibok ng puso ng Pamahalaang Bayan- ang HEARTS flagship program.
Mahalaga ang bawat elemento ng HEARTS sa ehekutibo at administratibong mga serbisyo ng munisipyo. Kaya’t laging abangan ang seksyon ng Naujan HEARTS Center ng pahayagang ito. Maaring rebyuhin ng mambabasa rito ang bawat elemento ng flagship program. Mayroon ding seksyon sa Public Forum, ang Pulso ng Puso! Maaring makilahok sa palitan ng mga kuro-kuro sa layunin ng pagpapaibayo ng kaunlaran ng ating bayan. Ito ay pagkakataon ng mga mambabasa na mapulsuhan ang naging epekto ng HEARTS sa komunidad ng mga barangay at iba’t ibang samahan ng mga Naujeňo.
Sa centerfold ng pahayagang Naujanews ay makikita ang mga updates ng Responsibong Gobyerno ng Mamamayan (RGM). Mahalaga ang RGM dahil ito ang frontliner ng HEARTS. Dito makikita ang mga larawan at ulat ng mga pangyayari sa barangay habang hinahatid ng munisipyo ang mga serbisyo nito doon mismo sa mga barangay. Napakalaking ginhawa ang naidudulot nito sa mga kababayan natin sa barangay lalong-lalo na yaong mga nasa mga liblibang lugar. Matipid, mabilis at maraming libre kapag sa barangay ginaganap ang mga transaksyon ng munisipyo.
Malaking sakripisyo sa bahagi ng mga empleyado ang sumama sa mga kabarangayan. Pero ang sabi nila, hindi raw alintana ang pagod at hirap dahil Masaya diumano ang makitang nakapaglingkod sa mga kapwa Naujeňo sa barangay.

Sadyang walang humpay ang ganitong gawaing paglilingkod ng pamahalaang bayan. Nitong pagkasulat lamang nito, bagama’t hindi kapiling sa RGM ang may karamdamang Punumbayan, ay tuloy pa rin ang mga kawani sa mga kamangyanang barangay ng Caburo at Banuton. Pinangunahan ng Administrador, Joefel C. Ylagan ang dalawang (2) araw na stay-in activity, matapos lamang ang pagsisilbi sa dalawang barangay na menos ang gastos.
Sadyang ganito ang mga challenges na kinakaharap ng mga frontline activities ng alinmang mga gawain. At hindi naman lahat ng mga empleyado ang dumadanas ng ganitong hirap. Mahalaga lamang sa bawat isang lingkodbayan ang maging tapat sa mga tungkuling inatas sa atin. Sapat na ito bilang bahagi ng pagpapaibayo ng PUSO ng Pamahalaang Bayan– ang HEARTS. (ESL)
LOCAL PEACE AND ORDER STRENGTHENING MANPOWER AND CAPABILITIES
For the Police to address criminality and bring government services to the people, we need to move and shoot ably. Last November 20, 2009 we conducted Marksmanship Test to determine the shooting capabilities of our personnel and the serviceability of our long and short firearms. Glad to say, that even with the limited ammunitions, at the end of the day, our policemen and policewomen can shoot their targets. Two of our police officers have also completed three days training from November 25-27, 2009 on Water Search and Rescue together with other personnel from the local government conducted by the Provincial Capitol and the Philippine Coast Guard, this aims to save lives and properties during times of calamity.
From October 22, 2009 to November 11, 2009, with the support of the local government, we were able to train six batches of Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS) among 70 Barangays within this municipality. The trained Barangay Officials and Barangay Tanods will become the first responders in their own barangays if police action is needed. BPATS will be a great help to the police in maintaining peace and order and ensuring public safety in the community. Additionally, these officials were trained to become the eyes and ears of the police in addressing criminality.
Another milestone in the history of Naujan is the establishment of additional 3 Police Community Precincts located strategically at the Barangays of Sampaguita, Adrialuna, and Pinagsabangan. Again, our gratitude to the leadership of Mayor Marcos for his support to the police. Our higher headquarters also acclaimed the establishment of these PCP’s and pledges support, once those are operationalized. We can safely say that these precincts are strategically located because it guards the Naujan – Calapan and Naujan – Victoria boundaries.
With these, we would just like to appeal to the community to support your police in your own little ways so we can serve the country and our municipality hand in hand. Let us abide by the rules of law and contribute in the maintenance of peace and order. Let us start from among ourselves. (PCI CHRIS M ABECIA, Chief of Police PNP-Naujan)
Imprastraktura ng Seguridad at Kapayapaan Binili para sa PNP

Mga Pakinabang ng Ilulunsad na NAD Breeding Center
Kabilang sa mga proposal ang isang programang ilalaan sa 5 barangay ng mga Mangyan na naglalayong magbigay ng kaalamang teknikal sa paghahayupan na angkop sa kanila.
Ang pakikiisa ng pamayanang Naujeňo sa programa na maari ng magsimula ngayong 2010 ay maging isang bahagi ng tagumpay ng HEARTS Program ng Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office. (Charity D. Alagao)
RGM: Edukasyon ang Misyon
Limitado ang pondo ng pamahalaang bayan at napakaliit upang tustusan ang mga pangangailangan ng mga pampublikong Php 92,400.00 para sa 32 na scholars.
Likas na ang pagiging matulungin ni dating Col. Marcos sa mga kabataang nais makapagtapos. Ngayong siya’y nasa panunungkulan na bilang isang alkalde, malinaw na hindi lamang tulong ang ginagawa ng Punumbayan. Ito ay isang uring sakripisyo maitawid lamang ang mga kabataang hindi kayang tustusan ng mga magulang ang pagbibigay sa kanila ng magandang kinabukasan. (ESL)
Naujan, Magtataguyod ng mga Programa ng United Nations
Dinaluhan ang nasabing gawain ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-B(MIMAROPA) sa pangunguna ni Bb. Annie E. Mendoza, Assistant Regional Director na siyang nangasiwa ng nasabing gawain; mga Municipal Coordinators at mga pinuno ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o under the slogan “Stand Up - Take Action” at events in more than 100 countries around the globe between 17 and 19 October to demand that world leaders do not use the financial crisis as an excuse for breaking the promises they made in 2000 to achieve the Millennium Development Goals. "In rich and poor countries… millions of people showed that they will not remain seated in the face of poverty and broken promises to end it.”
Naging matagumpay ang partisipasyon ng mga kinatawan ng bayan ng Naujan sa okasyong ito sa pamamagitan ng mga pagpapagal nina MSWDO Abstenencia C. De Guzman, Mileah J. Solano, at Vernon Agleron ng 4Ps-Naujan. Sila ang magiging pangunahing frontliners na aagapay kay Mayor Romar G. Marcos sa pagtataguyod ng MDG at Stand Up-Take Action programs ng UN sang-ayon sa napagsumpaan. (ESL)
Reference: http://www.un.org/
Garantisadong Pambata 2009

Ang programa ay nasa ilalim ng HEARTS Program ng Mayor Romar G. Marcos at sang-ayon sa Development Vision ng Naujan na nagsasabi: “By 2010, Naujan shall be a community of healthy citizenry”. (Analor M. Alcaraz)
TURN-OVER CEREMONY NG KBP NG NAVY, ARMY ISINAGAWA

Kaugnay nito ang isang medical mission na nakatulong sa maraming pasyente mula sa 3 Poblacion na mga barangay, Estrella, Concepcion, Andres Ylagan, Santiago, Motoderazo, Pinagsabangan II, Antipolo, at iba pang mga barangay sa pangunguna ng mga boluntaryong doktor ng Navy at Army at ng mga kawani ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Mary Jean I. Manalo. Isinagawa ang libreng konsultasyon, pagtutuli, bunot ng ngipin at mayroon ding mga libreng gamot at bitaminang pinamigay.
Sa pangangasiwa ng MSWDO, namahagi ng mga used clothes at daan-daang pares ng sapatos kasama na ang mga relief goods buhat sa ABS-CBN Sagip Kapamilya.

Tampok ang pagkaloob ng mga Certificate of Appreciation ni Mayor Marcos sa mga panauhing Navy at Army bilang pagkilala sa mga taong nasa likod ng tagumpay sa ginawang turn-over.(Carlota L. Conti)
Baha sa Bayan Sinolusyonan:Tabang River Palalalimin
Ang pagpupulong ay isang pagpapaalam ng pamahalaang bayan sa gagawing clearing operation sa naturang ilog na huling nalinisan noon pang panunungkulan ng yumaong dating Punumbayan Manuel Marcos Sr.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng Punumbayan, ang magubat na ilog ay siya diumanong dahilan upang hindi na ma-absorb ang mga umaapaw na tubig-baha mula sa Mag-asawang Tubig River. Bagama't may plano ang pamahalaang panlalawigan na palalimin ang Mag-asawang Tubig sa oras na mayroon ng magagamit na dredging equipment, hindi na diumano, ayon kay Mayor Marcos makapaghihintay ang malalang sitwasyon sa mga barangay ng Santiago at Poblacion I. Ang palagiang pagbaha sa may Dulongbayan na lubos na nakaabala sa publiko ay nangangailangan na diumano ng agarang aksyon. Ito ay tumutukoy sa pagpapalalim ng naturang ilog upang magbigay daan sa tubig-baha na umaapaw mula sa Mag-asawang Tubig.

Ang gawain ay may aktibidad ng paghuhukay sa mabanlik na ilog na may iilan pang tumbang puno na nakahambala sa gitna at pagpapalawak ng mga makikitid na bahagi nito.
MAgO Livestock Sector Todo-serbisyo para sa Ligtas na Paghahayupan
Nakapaloob sa programang ito ang “Rabies-free Guaranteed Municipality” o RGM na kung saan ay may 834 na aso na ang nabakunahan sa 16 na barangay. Kasama na rito ang pamimigay ng libreng gamot at pamurga na umabot sa 3,207 na baka ang naserbiyuhan, dagdag pa ang veterinary assistance.
Bahagi rin sa naisagawang serbisyo ng Livestock Sector ang pagmo-monitor ng Bird Flu o Avian Influenza upang manatiling ligtas hindi lamang mga ibon kundi’y maging mga nangalaga nito. (Charity D. Alagao)
Livelihood Programs, Ilulunsad ng Bagong CTEC ng Munisipyo
Trabaho ng CTEC ang pag-iikot sa mga komunidad ng bayan upang maglunsad ng technology-transfer activities. Layunin nito ang makapagbigay sa pamayanan ng mga bagong kaalamang pangkabuhayan. Sa pamamagitan nito, hindi lamang ang bilang ng mga walang hanapbuhay ang maiibsan, maging mga bagong negosyante ay dadami pagdating ng panahon.
Sabi ni Pesigan, may mga naisip na siyang mga teknolohiyang angkop sa pamayanang Naujeňo. May mga nabanggit siyang mga ahensiyang maging katuwang sa programa. Isa na rito ang Tanggapan ng Pambayang Pansakahan. Sinabi niya na maging mga dayami lang ng palay ay marami ng puwedeng maging hanapbuhay ang mga Naujeňo. Kinakailangan lamang diumano ang kanilang kooperasyon, lalong-lalo na sa patuloy na paggamit ng mga bagong tanggap na kaalaman sa mga teknolohiyang pangkabuhayan. (ESL)
Thursday, February 25, 2010
Pagdiriwang ng Buwan ng Nakatatandang Mamayan

Samantala, nakiisa rin ang may siyamnapung (90) senior citizens sa pagdiriwang ng Provincial Senior Citizens Month sa bayan ng Gloria noong Oktubre 22, 2009. Ang Naujan Elderly Citizens Association (NECA) ay nasa pamumuno ni Mabini R. Comia bilang pangulo at sa pamamatnubay ni Romeo M. Laygo bilang chairman ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA). Sinusubaybayan naman sila ng Municipal Social Welfare and Development Office ng bayan ng Naujan. (Sherwin R. Anyayahan)
PAMASKONG HANDOG: Joint CIVAC ng Naujan, Navy, Army

Bilang pagpapaunlak sa paanyaya ni Mayor Romar G. Marcos, ang nasabing gawain ay dinaluhan ng humigit-kumulang 1500 ka tao na kinabibilangan ng mga guro at estudyante, barangay officials, at mga Naujeňong may mga karamdaman.
Ginanap sa naturang gawain ang dental at medical mission na may kasamang libreng tuli. Namigay rin ng mga libreng gamot sa high blood at diabetes at mga bitamina para sa mga bata at matatanda.
Tampok rin ang pamimigay ng mga sapatos sa 500 na estudyante ng High School at Elementary; 95 sako ng relief clothes para sa mga mahihirap; 15 sakong relief goods mula sa Sagip Kapamilya ng ABS-CBN; at 25 Wheel Chairs para sa mga lumpo, special children, at mga matatanda.
At habang isinasagawa ang CIVAC ay ini-entertain naman ng Naval Station Jose Francisco Band Combo ang lahat na nasa loob ng Gymnasium.
Naisakatuparan ang nasabing gawain sa pamamagitan ng pakikipagkoordinasyon ni Mayor Marcos kina CDR ROWEN Y PAROGINOG, Assistant Chief of Staff for CMO ng Philippine Navy at CPT GREGORIO R DE GUZMAN, CMO Officer ng 203rd Brigade. Nakipagtulungan sa MHO sa pangunguna ni Dr. Mary Jean I. Manalo at MSWDO sa pangangasiwa ni Gng. Abstenencia C. De Guzman ang mga doctor ng Navy (Medical Corps): MAJ ERICKSON L GOB, CAPT NEALON EUGENE P BATALLA at P/2LT JULAND E SANGOY; mga doctor ng Army: MAJ BEN HUR A CARIŇO, Dentist at Dr. Baldomero A. Esteban Jr, MD private practitioner mula sa bayan ng Victoria. (ESL)
BUWAN NG MGA MUNTING BATA

Iba’t-ibang patimpalak na kinapalooban ng singing, ballroom dancing at draw & tell ang inihanda sa pagdiriwang na ito. Ang sumusunod ay ang talaan ng mga batang Day Care na nagwagi sa mga patimpalak:
Singing Contest 1st: Keisha Bantulo (Inarawan DCC 1);2nd:Lady Lorrain Joaquin (Inarawan DCC 2); 3rd:Ronaliza Diomampo (Pinagsabangan I DCC).
Ballroom Dancing 1st: Jake Anonuevo & Juvy Jane Tindugan(Adrialuna DCC 1); 2nd: Christian Saba & Princess Ronavie Belen(Inarawan DCC 1); 3rd: Jose Emmanuel M. Ondoy & Kyla Marie P. Maranan (San Antonio DCC).
Draw & Tell Contest 1st: Reniel Bunag (Inarawan DCC 1); 2nd: Kyrelle Rose Grantoza (Sta. Maria DCC); 3rd: Phoenica Salazar (Masagana (DCC).
Samantala, isinagawa naman sa bayan ng Gloria, Oriental Mindoro ang Provincial Children’s Month Celebration noong Oktubre 23, 2009. Dumalo si MSWDO Abstenencia De Guzman, Marisa Gupit, DCW Coordinator at piling Day Care Parents ng Bgy. Pinagsabangan 1 Day Care Center na nagbigay ng isang pampasiglang bilang, at mga kalahok at kanilang mga magulang sa mga patimpalak. Nakuha ng bayan ng Naujan ang unang pwesto sa Ballroom Dancing at ikalawang pwesto sa Draw& Tell. (Sherwin R. Anyayahan)
Wednesday, February 24, 2010
BPATS: PAGSASANAY NG MGA BANTAY SA BARANGAY

Ang naturang gawain ay isinagawa sa ilalim

Natutunan din ng mga barangay police sa pamamagitan ng orientation na binigay ng Pulisya ang Patrolling/Ronda; Basic Intelligence and Investigation; at Arresting Procedure and Techniques with Actual Demo. Tinuruan din ang mga barangay police sa paggamit ng arnis. Ang bawat isa ay binigyan ng kani-kanilang arnis at chaleko mula kay Rep. Alfonso “PA” Umali.
Bahagi rin sa gawain ang Personality and Leadership Development na ibinigay ni Konsehal Jun S. Bugarin.

Bukod sa Punumbayan Romar G. Marcos ay kasama rin sa naturang gawain sina Vice Mayor Wilson A. Viray PNP-Naujan COP PCI Christopher M Abecia, Kgg. Dominador Y. Bahia at MLGOO Amelia L. Ramos bilang mga pangunahing bumubuo ng pangasiwaan ng naturang programa. (ESL)
BFP, ON FIRE SA BAGONG FIRE CODE OF THE PHILIPPINES
Noon ay maraming decision ang BFP na nakasalalay sa LGU. Ngunit ngayon, sila ay maari ng makapagsarado ng alin mang gusali at mga establisemento na hindi tumatalima sa bagong Fire Code. Maging sa ngayon ay hindi na dumadaan ng kahera ng munisipyo ang pagbabayad ng fire Inspection.
Mapalad ang bayan ng Naujan na pagdating sa ulat ng may kinalaman sa sunog, mas malaki pa ang koleksyon ng BFP na nagkakahalaga ng Php 116,123.27 kumpara sa mga nasunog na mga property na nagkakahalaga lamang ng Php 90,000.00. Kaya’t ang BFP-Naujan ay abala hindi sa pakikibaka laban sa apoy kundi’y sa paghahandang maiwasan ang sunog. Sa taong 2009, ang nasabing ahensya ay nakapagsagawa ng 272 fire Safety Inspections, 32 Fire Safety Seminars, 21 Barangay Fire Brigade Organization, at 37 barangay na naging bahagi ng Ugnayan sa Barangay.
Ang kasalukuyang BFP Naujan na pinamumunuan ni Inspector Cupiado ay may 7 personnel na hinati sa 2 shift para sa 24 oras na tour of duty. Ito ay may 2 fire trucks. Sang-ayon sa huling rekomendasyon ng BFP, sila ay kulang sa tao pagdating sa ideal ratio ng 1 Fireman bawat 2000 katao at 7 Firemen bawat 1 Fire Truck.
Ang tanggapan ng BFP ay huling na-rehabilitate sa initiative ng Punumbayan Romar G. Marcos nito lamang taong 2009. Ito’y napapinturahan, naayos ang mga kisame at naging bago ang toilet and bathroom sa kabuoang halaga na Php 86,836.00 lamang. Tinutustusan ang ahensya ng 3 casual employees mula sa Mayor’s Office at libreng fuel at maintenance ng Morita (Red ) Fire Truck. (ESL)
CLIMATE CHANGE IGNORANCE: NAUJAN LUBHANG MAAAPEKTUHAN

Ang paglulunsad na ito ay naglalayong ilapit at ipabatid sa mga tao ang antas at nibel ng panganib sa kani-kanilang mga lugar. Dahil dito, ang Disaster Risk Reduction (DRR) at Climate Change Adaptation (CCA) ang pangunahing isyu sa nasabing pagpupulong. Sa pamamagitan ng pagmamapa ng mga delikadong lugar bunsod ng mga natural na kalamidad at pagbabago-bago ng klima, nagkaroon ng pagtatasa ng antas ng panganib ng kanya-kanyang lugar na kinabibilangan. Matapos ang syentipikong pag-aaral, nalagay sa mapa ng mga delikadong lugar sa rehiyong IV-B ang Silangang Mindoro bilang pinaka-dapat tutukang probinsya sa buong rehiyon na malimit naaapektuhan ng mga bagyo, lindol, at iba pang mga natural na kalamidad. Inilagay rin sa mapa ang bayan ng Naujan na kasama sa mga lugar na malimit maapektuhan ng baha tuwing tag-ulan. Kaugnay nito, nagkaroon ng masinsinang pagplaplano para sa posibleng maihatid na serbisyo ng pamahalaang bayan ng Naujan sa pakikipagtulungan ng NEDA at iba pang ahensya ng pamahalaan.
LIBRENG LIBRO: “Maagang Pamasko”
Ang nasabing mga biyaya ay tugon ng HEARTS Program ng pamahalaang bayan sa kahilingang ipinasa ng iilang mga paaralang nakasaad.Sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Romar G. Marcos, Chairman ng Municipal School Board (MSB) kay Rep. Rodolfo G. Valencia na siyang pinanggalingan ng pondo nito ay naisakatuparan ang nasabing proyekto. Ayon sa Punumbayan, napakapalad natin dahil tagarito ang ating Congressman RGV na lubhang malapit sa mga Naujeňo.
2 Naujeño scouts, Awardee sa “That’s my Boy”

Kamakailan lamang ay isa na namang mag-aaral ngMababang Paaralang Pangala-ala kay Jose L. Basa ang itinanghal na “Pinakamahusay sa Panlalawigang That’s My Boy “ ng Boy Scout si Archelle Dhabes M. Gelena ng ika-6 na baitang. Ginawarang “Pinakamaamong Mukha ng Taon” sa bayan ng Baco noong ika-20 ng Nobyembre, taung kasalukuyan. Sina Leonides G. Gelena at Erlinda Mayupao ang mga magulang ni Archelle na nakatira sa Poblacion III ng bayang ito.(Edgar G. Genteroy, DepEd SPED Teacher Naujan East)
GIVE BLOOD ON CHRISTMAS DAY

Sa mga barangay na nakapagbigay, Brgy Sampaguita- ang tahanang barangay ng Pangalawang Punumbayan Wilson A. Viray ang may pinakamaraming nahikayat na donors na umabot ng 14; 10 naman ang sa pumapangalawang Brgy. Evangelista; 8 sa Pinagsabangan II, 7-Pinagsabangan I, at tig-6 naman ang mga barangay ng Bagong Buhay at Pagkakaisa.
Isang malaking hamon ang magbigay ng dugo lalo na sa mga first timers. Bukod sa tension dulot ng kaisipan na mababawasan ng dugo, ay napakalaking suwero pa ang isinasaksak sa ugat. Bagaman at halos wala namang nararamdamang kirot ang isang donor, dapat silang pasalamatan at kung pwede ay parangalan. Dahil ang gawang ito ay isang uri ng kabayanihan.
Simula nang maitatag noong Setyembre 2008 ang Naujan Municipal Blood Council, kulang-kulang 700 na ang nakapagbigay ng dugo. Isang napakalaking bagay para sa mga mahihirap na hindi kayang bumili nito.
Marapatin man nating banggitin ang lahat na pangalan ng mga nakapagbigay, ito ay hindi kayang ilathala ng pahayagang ito. Banggitin na lamang dito yaong nakapag-donate ng 3-5 beses. Sila ay sina Pangalawang Punumbayan at Chairman ng Naujan Municipal Blood Council Kgg. Wilson A. Viray, Kon. Sheryl B. Morales, Carlota L. Conti ng Municipal Health Office, at Reynold Viray ng Sangguniang Bayan na pawang nakapag-donate ng 5 beses; si Armie Villena ng MHO ay nakapagbigay ng 4 na beses. Sina Marlon Alcancia ng MHO, Dexter Cueto, Virgilio Mangulabnan at Amando Olivo (parehong nasa Mayor’s Office) ay nakapagbigay ng 3 beses. Ang ibang nakapagbigay ng 1-2 beses ay nakasulat sa kalendaryo at Tarpaulin ng Naujan Municipal Blood Council.
Maaring hindi pa napasama ang mga pangalan ng iilang nakapagbigay buhat noong Nobyembre 26, 2009. Ngunit kasama sila sa mga hinahangaan at binibigyan ng papugay ng pamayanang Naujeňo sa kabayanihang kanilang ginampanan. (ESL)
Ulat sa Mayor's Cup 2009
Ang resulta ng naging programa ay ayon sa sumusunod:

Inter-barangay Women’s Softball League
Sa ika-3 pagkakataon, nakamtan ng San Agustin I Women’s Softball Team ang titulong kampeonato na matagal na nitong taglay. Pinangalawahan naman sila ng San Agustin II na nakakuha ng 1st Place; 2nd Place ang Pinagsabangan II, at 3rd ay ang Laguna.
Kabilang sa ligang ito ng 7 barangay ang mga koponang barangay ng Dao, San Isidro at Sta. Maria.
Naging tanyag ang mga manlalarong nakakuha ng parangal bilang Most Valuable Player (MVP)-Mischelle Ylagan ng San Agustin II; Most Defensive Player- Joy Garan ng San Agustin I; at Most Offensive Player-Rexy Vertucio ng Laguna.
Inter-High School Volleyball Girls
Namayagpag ang koponan ng Porfirio Comia Memorial National High School (COMEHI) dahilan upang masungkit nito ang kampeonato ng nasabing liga. Naging 1st Place naman ang Melgar National High School, at napunta naman sa Naujan Academy ang 2nd Place. Itinanghal namang MVP si Ms Jinky Sol ng COMEHI.
Kinilala at pinasalamatan ang partisipasyon ng mga koponan ng mga paaralan ng San Agustin National High School, San Agustin National High School Laguna Extension, Doroteo Jose Memorial National High School, Naujan Municipal High School, at Agustin Gutierrez Memorial Academy.
Badminton
Naging maiinit naman ang bakbakan ng lakas at galing ng iilang indibidwal na manlalaro ng kalalakihan at kababaihan. At dito’y nagpakitang gilas ang mga taga Nag-iba I na pagdating sa ganitong larangan ay hindi sila pahuhuli. Natapos ang torneo na nagresulta ayon sa sumusunod:
Badminton Boys Champion: Russel Papasin ng Bancuro; 1st Place: Ian Kristopher Sampang ng Nag-iba I
Badminton Girls: Champion: Kristine Joy Sampang ng Nag-iba I; 1st Place: Wennie P. Cabral ng San Agustin I.
Chess Tournament
Tampok naman ang tagisan ng galing ng mga kalalakihan sa patimpalak ng paggamit ng kaisipan sa laro ng mga grandmaster.
Nakuha ni Reniel Romero ng Montelago ang kampeonato na may papremyong 4,000.00; pinangalawahan siya ni Bernard Bongalos ng Poblacion III sa 1st Place na may premyong 2,500.00; at si Jerry Holgado ay nakakuha naman ng 2nd Place na may papremyong 1,000.00 sa kabutihang loob ni Engr. Ermelo Vertucio. Ang lahat ay may makukuhang trophy sa Enero 4, 2010 ng Araw ng Naujan. Ang iba ay tumanggap ng tig-200.00 bilang consolation prize. (ESL/ Marieta M. Panelo)
Sunday, February 7, 2010
Naujan, Magtataguyod ng mga Programa ng United Nations
Nanumpa ang bayan ng Naujan kasabay ng mga bayan ng Bongabong, Bulalacao, Mansalay, Bansud, at Pola na itaguyod ang Millennium Development Goals (MDGs) at ang “Stand-up, Take Action” ng United Nations (UN) sa isinagawang Ceremonial Declaration of Support sa bayan ng Bongabong noong October 16, 2009. Sabayang nagbigay panata ang mga Opisyal ng pamahalaan at mga lider ng iba’t ibang lokal na komunidad sa Municipal Gymnasium ng nasabing bayan. At bilang katunayan nito ay lumagda sa isang dokumentong naka-imprinta sa malaking tarpaulin sina 2nd District Rep. Alfonso “Boy” Umali, ang kinatawan (may akda) ni Mayor Romar G. Marcos, si Mayor Hercules A. Umali ng Bongabong, ang mga kinatawan nina Mayor Celestino A. Papasin ng Mansalay at Mayor Ernilo C. Villa ng Bulalacao, at si Mayor Ronaldo M. Morada ng Bansud.

Ang naturang aktibidad ay tugon ng ating pamahalaan sa panawagan ni UN Secretary-General Ban Ki-moon sa mga kalahok na mga bansa na makiisa sa nalalabing 6 na taon na makamit ang napagkasunduang MDG noong taong 2000. Ayon sa kanya:
“Time is short. We must seize this historic moment to act responsibly and decisively for the common good.”…"We have made important progress in this effort, and have many successes on which to build. But we have been moving too slowly to meet our goals".
Ang MDG ayon sa Greenfacts: “The Millennium Development Goals (MDGs), endorsed by governments at the United Nations in September 2000, aim to improve human well-being by reducing poverty, hunger, child and maternal mortality, ensuring education for all, controlling and managing diseases, tackling gender disparity ensuing sustainable development and pursuing global partnerships.”
At ang Stand Up-Take Action ayon kay Salil Shetty, direktor ng UN Millennium Campaign: “Over 100 million people mobilized under the slogan “Stand Up - Take Action” at events in more than 100 countries around the globe between 17 and 19 October to demand that world leaders do not use the financial crisis as an excuse for breaking the promises they made in 2000 to achieve the Millennium Development Goals. "In rich and poor countries… millions of people showed that they will not remain seated in the face of poverty and broken promises to end it.”
Naging matagumpay ang partisipasyon ng mga kinatawan ng bayan ng Naujan sa okasyong ito sa pamamagitan ng mga pagpapagal nina MSWDO Abstenencia C. De Guzman, Mileah J. Solano, at Vernon Agleron ng 4Ps-Naujan. Sila ang magiging pangunahing frontliners na aagapay kay Mayor Romar G. Marcos sa pagtataguyod ng MDG at Stand Up-Take Action programs ng UN sang-ayon sa napagsumpaan. (ESL)
Reference: http://www.un.org/
KAUNA-UNAHANG PISTA NG HEKASI 2009 NG DEPED, GINANAP SA NAUJAN.
Ang pagdiriwang ay nilahukan ng may 18 distrito mula sa mga mababang paaralan ng DepEd Silangang Mindoro tulad ng mga distrito ng Baco, Bansud, Bongabong, Timog Bongabong, Bulalacao, Gloria, Mansalay, Kanlurang Naujan, Timog Naujan, Kanlurang Pinamalayan, Silangang Pinamalayan, Pola, Puerto Galera, Roxas, San Teodoro, Socorro, Victoria, at Silangang Naujan bilang punong abala sa pagdiriwang.

Ang iba’t ibang patimpalak ay nagresulta ng mga nagsipagwagi ayon sa sumusunod: Tagis-Talino sa Sibika at Kultura, Zaira Grace D. Yanosa ng Victoria; Tagis-Talino sa Heyograpiya, Denice M. Cabigao ng Victoria; Tagis-Talino sa Kasaysayan, Krizelle Torreliza ng Baco; Paligsahan sa Kasaysayan ng Bayan, Cedrick Villanueva ng Pola; Paligsahan sa Pag-awit ng Awiting Tagalog (FolkSong), Alner Mali ng Pola; Paligsahan sa Pagbibigay buhay sa Awiting Makabayan, Puerto Galera; Paligsahan sa Maramihang Tinig-Sariling Likha para sa Kalikasan, Gloria; Pangkalahatang Resulta sa Paligsahan ng Taon: 1st-Puerto Galera, 2nd-San Teodoro, 3rd-Silangang Pinamalayan, 4th-Silangang Naujan, 5th-Victoria, 6th-Kanlurang Naujan. (Edgar G. Genteroy, SPED Teacher Naujan East)
PAGDIRIWANG NG ARAW NG MGA BAYANI SA NAUJAN, KAUNAUNAHAN SA LALAWIGAN.
Nobyembre 30, 2009. Sa kauna-unahang pagkakataon sa lalawigan ng Silangang Mindoro, nagkaroon ng patimpalak sa Balagtasan sa panahon ng pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani. At ito ay dito ginanap sa bayan ng Naujan sa pangangasiwa ng Knights of Columbus, partikular na ang mga 4th Degree na nakatuon ang serbisyo sa Patriotism.
Bahagi ng pambungad na pagdiriwang ang talumpati at pag-aalay ng bulaklak ni Mayor Romar G. Marcos sa bantayog ni Gat Andres Bonifacio. Ayon sa Punumbayan, mahalaga ang nasabing pagkakataon bilang pag-alaala kay Gat Bonifacio dahilan sa pinaglaban nitong kasarinlan ng ating bansa. Sinabi niya na isa nawang paghamon ang buhay ng bayani upang tularang ipaglaban ang kapakanan ng bayan, lalo na’t laban sa mga corruption. Sa pagsugpo diumano ng katiwalian, naniniwala siya, magsisimula ang pagbangon ng bayan at bansa mula sa kahirapan.

Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng mga kasapi ng Knights of Columbus mula sa mga bayan ng Pola, Victoria, Naujan at Socorro sa pangunguna ng kanilang Faithful Navigator Tony Dolor; iilang kawani ng DepEd kasama na si Dr. Estrelita Dolor, Division Superintendent at Magdalena Morales na nagsilbing Chairman of the Board of Judges; si 2nd District Representative Alfonso Umali; at ilang mga tagamasid mula sa iba’t ibang sektor.
Bilang pangwakas ay pinasalamatan ni SK Tony Dolor ang mga sponsors ng naturang pagdiriwang: Rep. Alfonso Umali para sa mga Cash Prizes, ang mag-anakang Dolor para sa mga tropeo, at si Mayor Romar G. Marcos para sa ipinambayad sa upa ng Bahay Tuklasan. (ESL)
MGA BUNGA NG MATAPAT NA PANUNUNGKULAN
Nang umupo si Mayor Romar G. Marcos sa panunungkulan ay dinatnan niya ang mga heavy equipment na pawang mga overused.

Kaya’t agad na pinagtuunan ng pansin ng Punumbayan ang kakulangan ng heavy equipment. Dahil ang mga problemang katulad ng baha na sumisira ng maraming kalsada at iba pang mga imprastraktura na nangangailangan ng madaliang aksyon ay dito nakasalalay.
Ganunpaman, dahilan sa kulang ang pondo noon upang mahabol ang pangangailangan ng mga heavy equipment, ipinalipat ng Punumbayan ang pondong nagkakahalaga ng Php 0.90 M para sa kanyang sasakyan patungo sa pondong pang CONSTRUCTION AND HEAVY EQUIPMENT ng Engineering Office. Ito ay sa bisa ng Appropriation Ordinance No. 01 Series of 2008 noong Pebrero 26, 2008. Kaya ito ay nagbunga sa pagkabili ng unang 3 dumptrucks na nagkakahalaga ng Php 2.26 M. Nadagdagan ito ng isa pa noong Nobyembre 2008 at may sumunod pang isa noong Pebrero 2009. Ang huli ay kasabay ng Komatsu Minibackhoe with Dozer Blade.