“Masama
ang anumang labis.” Ito
ang madalas na nagiging komento ng mga tao kaugnay sa mga bagay na
ipinapasok sa bibig. Ganunpaman, alam man ng nakararami ito, ang mga paboritong
pagkain pa rin ang lubus-lubusang kinukonsumo. Kaya’t madalas mga health professionals lamang ang mga nagsasabing, “May kulang ka sa ganitong bitamina..” o ‘di kaya ay ”Iwasan mo ang ganitong pagkain…” Dahil ang hatid ng anumang labis ay
“karamdaman.”
Ang
pagbabalanse ay isang skill.
Kinakailangan ito sa acrobatics(sining ng pagbabalanse ng katawan), nutrisyon, hermeneutics (agham ng interpretasyon ng Bibliya), pulitika,
atbp. Hindi
aksidente ang pagkakaroroon ng balanseng sistema.
Ang ecological balance ng kalikasan ay gawa ng skillful Creator nito. Sinira lang ito ng tao at
nagresulta sa hindi na balansyadong ecosystem na isa sa mga naging sanhi ng iba’t
ibang kalamidad. Dagdag pa rito, lumayo ang tao sa mga alituntunin ng kanyang
Tagapaglikha dahilan upang tuluyang mawala sa balanse ang kalagayang
panlipunan. Ito ay mas kilala sa KARAMDAMANG PANLIPUNAN.
Nangangailangan
ng skill o karunungan ang tao upang maibalik
ang dating kaayusan, ang balanseng kalagayan. Mahalaga ito sa anumang larangan
lalung-lalo na sa pulitika at serbisyo publiko. Hindi ito madali. Ngunit, kapag
taglay ng mga tagapagpatupad ang karampatang skill
o karunungan, ito ay abot-kamay.
Ang
pamahalaan ay naglunsad ng mga batas, panukala at panuntunan para sa pagsasanay ng mga lingkodbayan
na siyang inaasahang mag-angat ng kanilang karunungan sa serbisyo-publiko.
Kasama na rito ang mga programa sa moral recovery ng mga empleyado ng gobyerno para sa matuwid na serbisyo.
Dapat nating pasalamatan na hindi lamang kalayaan sa relihiyon ang mayroon tayo
sa ating bansa, bagkus ay itinataguyod mismo ito ng batas ng republika dahil
bahagi ito ng solusyon sa karamdamang panlipunan.
Wika
nga ng Pambayang Tagapamahala Angel M.
Navarro, “May karamdaman ang ating lipunan na ang tanging makapagpapagaling ay
walang iba kundi ang Diyos.” Inamin ng administrador na siya’y hindi
relihiyosong tao. Ngunit, sa ibang pagkakataon sinabi niya “Simula nang ako’y
naging Municipal
Administrator, ako’y
natutong magdasal.” Si “Admin Bobie” na hinirang ni Mayor Makoy Marcos sa
tungkulin ay kilala sa munisipyo bilang matalinong tao. Mayroon din kayang
katulad na pananaw at gawi ang mga “hindi matatalino” sa Naujan? Hindi lang
pangmatalino ang tumanaw ng pag-asa sa Maykapal.
Ang
nag-iisip para sa ganap na kagalingang panlipunan ay hahantong sa balansiyadong
solusyong sosyal, pulitikal at espirituwal. Nakikita ito ng mga mambabatas at
mga nanunungkulan sa awtoridad ng pamahalaan sa nasyunal na level. Imposibleng hindi makita ito sa local level.
Kamakailan
lamang ay pinagdiwang ang Town Fiesta. Tanda ito ng presensiya ng mga relihiyosong mamamayan sa Naujan.
Harinawa’y maihayag ang espirituwal na mga gawi at pananaw sa pamamagitan ng
pagsuporta ng mamamayang Naujeňo sa pagbabago ng mga baluktot na kaugalian.
Dahil ito ay sagabal sa balansiyadong kalagayan.
Natunugan
na may mga empleyado na namataang lasing sa oras ng trabaho. Ang sabi ng
nasusurang Mayor Makoy “tanggalin sa serbisyo!” “Bigyan muna ng second chance” pakiusap ng administrador.
Mga
lingkodbayan dapat ang nangunguna sa direksyon tungo sa pagbalanse ng
tumatagilid na nating kultura. Paano kung likas talagang liko ang oryentasyon
ng isang empleyado ng gobyerno? Sabi ni Admin Bobie, “Sa aking pagharap sa mga
tao bilang isang empleyado ng munisipyo, ako’y nakamaskara ng mataas na dignidad
sa paglilingkod.” Tinutukoy ng Tagapamahala na hindi niya dinadala sa munisipyo
ang kanyang mga bisyo sa labas, bilang pagbigay-galang sa batas na nagsasabi:
“Public
service is a public trust.”
Nasa
lingkodbayan ang pagpapatunay kung siya ay karapatdapat sa pagtitiwalang
ibinigay sa kanya ng pamahalaan. Pero ito’y tiyak niyang makakamtan kung siya’y
tatalima lamang sa balanseng paglilingkod na isinusulong ng batas.
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?