Pages

Tuesday, September 3, 2013

Bagong Liderato, Abala sa mga Plano

Simula nang maupo ang mga bagong halal noong Hulyo 1, 2013, abalang-abala ang administrasyon ni Mayor Makoy Marcos sa pagpaplano para sa ipatutupad na mga programa sa taung 2014. Ang sukdulan ng mga plano kaugnay ng aaprubahang  badyet sa 2014 ay ang Annual Investment Plan (AIP) finalization noong Agosto 21-23, 2013 na ginanap sa Puerto Galera at nilahukan ng mga kasapi ng    Naujan Municipal Development Council (MDC).
 
Si Vice Mayor Henry Joel C. Teves (kaliwa) habang ibinibigay ang mensahe sa Municipal Development Council (MDC). Ang MDC  ang siyang nagba-validate ng mga plano upang maisama sa Annual Investment Plan (AIP) 2014.

“We are barely two (2) weeks!” Ito ang sabi ni G. Angel M. Navarro, Pambayang Tagapamahala tuwing may nagmumungkahi kaugnay sa lokal na pamamahala.  Ito ay pagsasabi na abala rin ang kasalukuyang administrasyon sa mga plano ng lumipas na liderato para sa kanilang patuloy na pagpapatupad.

Ang mga gawaing pagpaplano ay naaayon sa lagay ng lokal na                      pagpaplano sa Pilipinas, at ito ay hindi lamang isang uri. Katulad ng plano ng paggawa ng gusali na may bukod na plano para sa bawat aspeto kagaya ng architectural, structural, civil, electrical, atbp., ang pagpaplano para sa lokal na pamahalaan ay mayroon ding maraming nakapaloob na mga plano. Ang mga ito ay ayon sa sumusunod:

Local Poverty Reduction  Action Plan
Peace and Order and Public Safety Plan
Gender and Development (GAD)Plan
Ecological Solid Waste Management Plan
Tourism Plan
Agricultural Development Plan
Local Development Investment Plan (LDIP)
Annual Investment Plan (AIP)
Disaster Risk Reduction  Management (DRRM) Plan
Revenue Generation Plan
Nutrition Action Plan
Economic Development Plan
Infrastructure Development Plan
Capacity Development Agenda (CapDev)
Executive-Legislative Agenda (ELA)
Human Resource Management Development (HRMD) Plan
Climate Change Adaptation Plan
Comprehensive Land Use Plan (CLUP)
Comprehensive Development Plan (CDP)

Madaling lumapit sa munisipyo upang magdulog ng mga suliraning             nangangailangan ng solusyon. Ngunit kapag ang nasabing problema ay hindi nakapaloob sa plano, ito ay maaring hindi agarang maaksyunan. Ito ay idudulog muna sa isang kinauukulang tanggapan para sa ebalwasyon at nang maisama sa Supplemental Investment Plan. Ang huli ay plano para sa mga pagkakagastusan na hindi naisama sa mga naunang regular na mga plano. (ESL)



No comments:

Post a Comment

Nais mong magkomento?