Pages

Tuesday, September 3, 2013

Marcos-Teves Union, Pagkakaisang Alay sa Bayan

Pormal na inihayag ni Mayor Mark N. Marcos ang tambalang Marcos-Teves para sa Bayan ng Naujan sa ikalawang araw ng LDIP 2014-2016 at AIP 2014 Finalization na ginanap sa Hollywood Beach Resort noong Agosto 22, 2013.
 
Para sa ikauunlad ng Bayan ng Naujan, permanenteng nagsanib-pwersa si Mayor Marcos (kanan)-LP at Vice Mayor Teves (kaliwa)-NP. Ipinangako ng dalawa na gagawin nila ito maging sa 2016.

 
Saksi sa kaganapang ito, ang apatnapu’t-apat (44) na Punong Barangay, Department Heads at Unit/Section Heads ng Pamahalaang Bayan ng Naujan.

 "Sa umagang ito nais ko pong ipaalam sa inyo na ang amin pong samahan ng ating Sangguniang Bayan partikular na ang ating Pangalawang Punumbayan pamula pa noon hanggang ngayon ay tumitibay at napagkasunduan namin na ang pagsasamang ito ay aming patagalin at gawing permanente para sa Bayan ng Naujan” wika ni Mayor Marcos. Ito naman ay kinumpirma ng Pangalawang Punumbayan Henry Joel C. Teves ng kanyang sabihin... “tulad po ng sinabi ni Mayor para po sa ikauunlad ng ating Bayan sana po ay magsama-sama tayo, tama na po muna ang pulitika, kulay dilaw, green at red. Sama- sama na po tayo sa 2016.”

Ayon sa Punumbayan magkasama silang hahabi para sa katagumpayan, kaunlaran at kaayusan ng bayan ng Naujan. Dagdag pa niya, “pag-iigihin po namin ni Vice ang pagtatrabaho para po sa inyo.”

Labis na ikinatuwa ng maraming kapitan at opisyales ng munisipyo ang pagsanib- pwersa ng dalawang dating magkahiwalay ng partido, tanda ng magandang relasyon ng ehekutibo at lehislatibong mga sangay ng pamahalaang bayan sa nalalabing mga panahon hanggang 2016. (JFD)



1 comment:

Nais mong magkomento?