Agarang inilunsad ng
administrasyon ni Mayor Mark “Makoy” N. Marcos sa unang linggong pag-upo
ang Executive Agenda ng kanyang liderato sa harapan ng Sangguniang Bayan
(SB) sa kanilang unang session noong Hulyo 5, 2013 sa SB Session
Hall. Ito ay sa pamamagitan ng talumpating ibinigay niya batay sa GO
HEARTS governance platform.
Unang inilahad ng kauupong Punumbayan Mark N. Marcos ang agenda ng kanyang pamumuno sa harapan ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ng Pangalawang Punumbayan Henry Joel C. Teves sa kaunaunahang sesyon simula nang manumpa ang mga elective officials sa tungkulin.
Ang laman ng naturang
talumpati ay muling ibinigay ng Punong Ehekutibo sa First Full Council Meeting
of Municipal Development Council noong Hulyo 11, 2013 sa Bahay Tuklasan. Ito ay
nasaksihan ng mga opisyales ng 70 barangay ng Naujan, mga kinatawan ng iba’t
ibang sangay ng sektor ng komunidad, mga opisyales at piling kawani ng
Pamahalaang Bayan ng Naujan.
Walang inalis ang Punumbayan
sa kanyang unang talumapati; tanda ng kanyang kaseryosohan sa mga pangakong
nakasaad dito.
Ang GO HEARTS Executive
Agenda ay silbing social contract ni Mayor Makoy sa pamayanang Naujeňo. Ito ay commitment ng Punumbayan sa
mga mamamayan ng Naujan na kanyang
itataguyod ang mga programang maghahatid ng kaunlaran at mag-aangat sa kanila
mula sa kahirapan. (ESL)
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?