GO HEARTS ang Executive Agenda ni Mayor Mark N. Marcos. Ito ang kanyang kontratang panlipunan sa pamayanan ng Naujan na ipatutupad sa panahon ng kanyang panunungkulan. Nabalangkas ito batay sa mga problema at pangangailangan ng bayan at inaasahang siyang tutugon sa mga suliraning panlipunan.
Si Mayor Mark N. Marcos habang inilalahad sa Naujan Municipal Development Council (MDC) ang GO HEARTS Executive Agenda |
(Batay
sa mga Talumpati ni Mayor Mark N. Marcos
sa Sangguniang Bayan Session Hall noong Hulyo 5, 2013 at sa First Full Council
Meeting of Municipal Development Council sa Bahay Tuklasan noong Hulyo 11,
2013.)
Good
morning po sa inyong lahat, sa ating Vice Mayor at sa lahat ng Sangguniang
Bayan Members and staff.
When
I was in a 3-day seminar in UP, I was persuaded by one of the speakers to add
another acronym, the word GO which stands for Governance. I believe, mayroon
pang kulang doon sa HEARTS and that is Governance. Thus, the acronym GO HEARTS
for my executive agenda.
GO-Governance; it is a representation to
participatory government. A governance by consultation; a governance kung saan
kailangan natin ang bawat sektor ng ating lipunan.
Kailangan
nating i-institutionalize ang ating POs, NGOs at civil society; kailangan
nating magsama-sama para makabuo ng magandang solusyon sa bawat problema upang
tayo’y magkaroon ng isang magandang proyekto na sama samang binuo ng bawat
sektor ng ating lipunan.
Kailangan
natin ng participatory government wherein the citizens will have an avenue for
their complaints. Sapagkat ang inyong Punong Ehekutibo ay naniniwala na ang tamang gamot sa tamang
karamdaman ng bayan ay masosolusyunan sa mabuting usapan.
Part
of this governance is to enhance the coordination and comprehension among the
agencies of the government to improve the delivery of services to our
constituents. Siguro, alam naman natin na ang inyong abang lingkod ay tapat,
kasama ang minamahal nating Congressman; kasama ang minamahal nating Gobernador
at kasama ang mahal na Pangulo ng ating bansa, ay magkakasama sa iisang
layunin; magkakasama sa iisang partido, magkakakampi sa pagde-deliver ng mga
serbisyo sa bansa, sa probinsya at sa ating bayang minamahal.
Ang
coordination ng barangay sa munisipyo, sa probinsya at patungo sa nasyunal ay
makakapagpabuti sa ating bayan.
Ang
coordination ng munisipyo sa probinsya at sa national government ay mainam para
sa patuloy na pagdaloy ng proyekto sa ating bayan ng Naujan.
This
representation believes that there is a need to bring the Municipal Government
of Naujan closer to the people. Parte ng ating Governance ay ilapit ang
munisipyo sa bawat barangay at sa bawat mamamayan. Paano natin mailalapit ang
ating munisipyo?
Last
election, I believe that I made a point to establish satellite offices
especially sa malalayong barangay sa bayan ng Naujan. Sapagkat sa
pakikisalamuha ng inyong lingkod sa mga mamamayan partikular sa malayong bahagi
ng ating bayan, minsan sinasabi nila, pupunta sila sa bayan. Pero hindi pala sa
bayan ng Naujan kundi sa bayan ng Calapan o sa bayan ng Victoria. Part of this
governance ay ilapit ang gobyerno sa mamamayan and we have to establish these
satellite offices which we call “minisipyos”……….
Now,
let’s go to H-Health aspect of the executive agenda. We will implement a
comprehensive package of health programs for the municipality’s constituents.
This can be done by establishing health stations in certain barangays na dapat
maserbisyuhan. And in this point in time, I would like to seek the help of the
Municipal Development Council regarding the acquisition of a lot in Barcenaga
in which a Rural Health Center can be constructed.
Hindi
natin alam kung kailan darating ang karamdaman kaya’t maglalagay tayo ng
24-hour operations sa ating rural health unit (RHU) sa Santiago. Dapat din
nating ilapit sa tao ang health services na maaaring maibigay ng munisipyo sa
pamamagitan ng 24/7 mobile clinic, na handang maglingkod sa mga panahon ng
emergency.
E
– Environment
and Education. Alam natin na ang ating bayan ay madalas dinadalaw ng mga
kalamidad. Napakaraming beses na tayo’y dinaanan ng bagyo at baha lalo na noong
panahon ng yumaong Mayor Romar G. Marcos, at ayaw kong ito’y maulit sa aking
panunungkulan, kaya’t I will promote measures to prevent future disaster risks.
There
is a need for us to institutionalize the MDRRMC; there is a need for us to
formulate a Solid Waste Management System; there is a need to operationalize
the Disaster Cooperation Center.
Kailangan
nating tutukan ang mga bagay na ito upang
tayo’y maging handa sa anumang sakuna. Now we will come to the aspect of
Education.
We
will enhance the implementation of educational programs. Alam natin na sa ngayon
ay napakaraming kabataan ang hindi nakakapag-aral. Kaya I am encouraging the
TESDA to offer more trainings, seminars and the likes dito sa ating bayan. Atin
din pong palakasin ang Naujan Technical College (NTC) para magkaroon ng
additional courses to cater the needs of our unfortunate children na
nangangailangan ng edukasyon. Kailangan din nating makapaghanda para sa mga
future programs ng DepEd tulad ng K-12.
Kung
maihahanda natin ang mga bagay na ito ay kahit papaano maiibsan natin ang
problema ang kakulangan ng edukasyon ng ating mga minamahal na kabataan. (Paunawa
ng Patnugot: Ipinadagdag ang bahaging ito na hindi nailahad ng Punumbayan sa
talumpati) Kung kinakailangan ng kinabukasan ng bayan ang dekalidad na
edukasyon, kinakailangan din nila ang pundasyon nito- ang basic education.
Tutugunan natin ang suliranin sa out-of-school youth and adults (OSYA) na nasa
11% ng ating populasyon. Aabutin ng ating pamahalaang bayan ang mga OSYAs na
nasimulan na ng Alternative Learning System (ALS). Palalakasin natin ang
Community eCenter (CeC) operations upang maging automated ang pagkatuto ng mga
mag-aaral at nang maging episyente ang ALS operations.
On
the aspect of A – Agriculture, the government can help the farmers by
providing subsidies to farmers’ associations para makatulong sa ating mga
magsasaka. We will increase the agricultural productivity by promoting recent
and appropriate methods of technologies; we will craft and implement the
agriculture organic program; we will intensify the agricultural extension
delivery service program.
Alam
kong napakahirap nito sapagkat iilan lamang ang ating kababayan na
nagseserbisyo sa ating Agriculture Office. Ngunit naniniwala ako na
kinakailangan naming matugunan ang mga problemang kinakaharap ngayon ng ating
mga magsasaka because Naujan is the rice granary of the province; and there is
a need for us to maintain that image as the rice granary of the province and we
can only do that if we will help our farmers.
We
will operationalize the Naujan Agricultural Center by establishing additional
facilities wherein we will be conducting technological transfer, demo farm and
livelihood center na katulad ng sinasabi ng ating Municipal Administrator.
Kapag ikaw ay pumunta, ito ay isang one stop shop na makatutulong sa ating
magsasaka para sa bagong teknolohiya para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura.
We
will pursue for the farmers entrepreneurship program to better help the
agricultural sector. Sunod sa sektor ng agrikultura ay ang sektor ng
pangingisda. Kailangan din nating pangalagaan ang ating likas na yamang Dagat.
Dapat ay maiwasan na ang panghihimasok ng mga dayuhang mangingisda sa
territorial waters ng ating bayan. Ito ay hihilingin ko sa mahal nating
Gobernador para maprotektahan hindi lamang ang ating yamang dagat kundi pati na
rin ang kabuhayan ng ating mga kababayan.
And
sunod ay ang R – Roads and
Infrastructure. Alam natin na sa panahon ngayon ay kabi-kabila na
ang sira ng ating mga kalsada sapagkat nariyan na ang tag-ulan, though there is
a need to acquire or purchase a new heavy equipment, I believe na dapat tayong
magtulungan para sa iisa munang programa, ang programa sa pagpapagawa ng mga
daan. Huwag na munang tumutok ang mga barangay sa pagpapagawa ng mga waiting
sheds. Tumutok muna tayo sa pagpapagawa ng mga daan para matapos ang problema
sa mga lubak lubak na daan, because this humble representation believes that
there is a need to inter-connect the barangay roads with the provincial and
municipal roads so that our constituents can easily transport to avail our
sports complex, markets and other establishments and institutions.
Kapag maganda na ang ating mga daan, hindi na
tayo kailangan pang bumili ng additional heavy equipment at makinarya, sapagkat
mayroon naman tayong existing machineries na pwedeng gamitin sa pagseserbisyo
sa ating mga mamamayan. We plan and we interconnect our plans para mas
makatulong tayo sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan.
For
T –Tourism, alam natin na ang ating bayan ay tinatawag na “supot” dahil
ito’y papasok. Napakahirap pasukin ng investor, lalo na ang Poblacion. Pero
alam nating lahat na ang tourism ay isang potential revenue generator kahit
saan mang bayan. Dahil ang ating bayan ay mayroong maraming potential tourism
destination sites, magagamit natin ito upang maka-attract ng napakaraming
turista na ginagawa ngayon ng mga karatig bayan ng Naujan.
Napakapalad
natin dahil mayroon tayong malaking parte sa lake, marami tayong baybaying
dagat, and yet hindi natin nabibigyan ng pansin ang tourism. Gagawin nating
higit pa sa tarpaulin ang turismo natin.
There
is a need for us to improve access roads going to possible sites of tourism, sapagkat kapag may turismo, may kita
ang bayan at may kita ang mga mamamayan: trade and industry will soon follow.
Kailangan
siguro nating ire-activate ang Lingap Kalikasan Tourism Council, and we need to
formulate a feasible and appropriate tourism development program. Sayang ang
mga sites sa bayan ng Naujan na pwede nating magamit para makaakit ng turista.
Tulong tulong nating gawin ang mga bagay na ito at ito’y ating sisimulan sa
darating na kapistahan ng ating bayan. Hinihikayat ko ang ating mga magigiting
na Kapitan na tayo’y tumulong sa pagbabalita sa ating mga kaibigan to visit
Naujan particularly the Fiesta Celebration of Naujan.
S
– Social Welfare.
We will sustain various social services programs. Ang sabi ko nga, ang inyong
punong ehekutibo ay malapit ang puso sa mga under-privileged, iyan ay
ginampanan ko noong ako ay Presiding at Acting Presiding Judge pa sa mga
malalayong bayan dito sa Oriental Mindoro. Gusto nating ipagpatuloy ang lahat
ng programa ng gobyerno na makakatulong sa kabataan, elderly, kababaihan at iba
pang sektor.
Dapat
ituloy ang feeding programs, sapagkat nakikita ko na marami pa rin ang malnourished
children dito sa bayan ng Naujan.
Ako
ay naniniwala na sa patuloy nating sama samang pagkilos at pakikipag ugnayan sa
bawat isa, kahit paano’y, ito’y makakatulong sa pagde-deliver ng basic social
services sa mga under privileged sectors ng ating lipunan. Kung hindi man natin
magawa ngayon o sa isang biglaan, pero pwede natin itong simulan sa pamamagitan
ng kooperasyon ng bawat sektor ng lipunan at sa koordinasyon ng bawat ahensya
ng gobyerno at sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng bayan ng Naujan at ng mga
barangay.
Magagawa
natin ang mga bagay na ito at maitatawid
natin ang executive agenda ng inyong lingkod na ang layunin lamang ay ang
paunlarin ang ating bayan ng
Naujan at magbigay ngmagandang serbisyo sa bawat mamamayan. Ladies and Gentlemen,
let us GO HEARTS! Magandang umaga sa ating lahat.
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?