
Wednesday, February 24, 2010
Ulat sa Mayor's Cup 2009
Naging matagumpay ang isinagawang Mayor’s Cup 2009 na ginanap noong ika-21 ng Nobyembre hanggang Disyembre 20, 2009 na may kabuuang layunin ng paglinang ng mga kakayanang pang-isports ng mga kabataan at mga kababaihan. Layunin din nito ang pagtuklas ng mga taong taglay ang nasabing kakayanan upang maipag-ibayo tungo sa kanilang pagiging isang ganap na mga atleta.
Ang resulta ng naging programa ay ayon sa sumusunod:
Ang resulta ng naging programa ay ayon sa sumusunod:
Inter-barangay Women’s Softball League
Sa ika-3 pagkakataon, nakamtan ng San Agustin I Women’s Softball Team ang titulong kampeonato na matagal na nitong taglay. Pinangalawahan naman sila ng San Agustin II na nakakuha ng 1st Place; 2nd Place ang Pinagsabangan II, at 3rd ay ang Laguna.
Kabilang sa ligang ito ng 7 barangay ang mga koponang barangay ng Dao, San Isidro at Sta. Maria.
Naging tanyag ang mga manlalarong nakakuha ng parangal bilang Most Valuable Player (MVP)-Mischelle Ylagan ng San Agustin II; Most Defensive Player- Joy Garan ng San Agustin I; at Most Offensive Player-Rexy Vertucio ng Laguna.
Inter-High School Volleyball Girls
Namayagpag ang koponan ng Porfirio Comia Memorial National High School (COMEHI) dahilan upang masungkit nito ang kampeonato ng nasabing liga. Naging 1st Place naman ang Melgar National High School, at napunta naman sa Naujan Academy ang 2nd Place. Itinanghal namang MVP si Ms Jinky Sol ng COMEHI.
Kinilala at pinasalamatan ang partisipasyon ng mga koponan ng mga paaralan ng San Agustin National High School, San Agustin National High School Laguna Extension, Doroteo Jose Memorial National High School, Naujan Municipal High School, at Agustin Gutierrez Memorial Academy.
Badminton
Naging maiinit naman ang bakbakan ng lakas at galing ng iilang indibidwal na manlalaro ng kalalakihan at kababaihan. At dito’y nagpakitang gilas ang mga taga Nag-iba I na pagdating sa ganitong larangan ay hindi sila pahuhuli. Natapos ang torneo na nagresulta ayon sa sumusunod:
Badminton Boys Champion: Russel Papasin ng Bancuro; 1st Place: Ian Kristopher Sampang ng Nag-iba I
Badminton Girls: Champion: Kristine Joy Sampang ng Nag-iba I; 1st Place: Wennie P. Cabral ng San Agustin I.
Chess Tournament
Tampok naman ang tagisan ng galing ng mga kalalakihan sa patimpalak ng paggamit ng kaisipan sa laro ng mga grandmaster.
Nakuha ni Reniel Romero ng Montelago ang kampeonato na may papremyong 4,000.00; pinangalawahan siya ni Bernard Bongalos ng Poblacion III sa 1st Place na may premyong 2,500.00; at si Jerry Holgado ay nakakuha naman ng 2nd Place na may papremyong 1,000.00 sa kabutihang loob ni Engr. Ermelo Vertucio. Ang lahat ay may makukuhang trophy sa Enero 4, 2010 ng Araw ng Naujan. Ang iba ay tumanggap ng tig-200.00 bilang consolation prize. (ESL/ Marieta M. Panelo)
Sunday, February 7, 2010
Naujan, Magtataguyod ng mga Programa ng United Nations
Nanumpa ang bayan ng Naujan kasabay ng mga bayan ng Bongabong, Bulalacao, Mansalay, Bansud, at Pola na itaguyod ang Millennium Development Goals (MDGs) at ang “Stand-up, Take Action” ng United Nations (UN) sa isinagawang Ceremonial Declaration of Support sa bayan ng Bongabong noong October 16, 2009. Sabayang nagbigay panata ang mga Opisyal ng pamahalaan at mga lider ng iba’t ibang lokal na komunidad sa Municipal Gymnasium ng nasabing bayan. At bilang katunayan nito ay lumagda sa isang dokumentong naka-imprinta sa malaking tarpaulin sina 2nd District Rep. Alfonso “Boy” Umali, ang kinatawan (may akda) ni Mayor Romar G. Marcos, si Mayor Hercules A. Umali ng Bongabong, ang mga kinatawan nina Mayor Celestino A. Papasin ng Mansalay at Mayor Ernilo C. Villa ng Bulalacao, at si Mayor Ronaldo M. Morada ng Bansud.
Dinaluhan ang nasabing gawain ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-B(MIMAROPA) sa pangunguna ni Bb. Annie E. Mendoza, Assistant Regional Director na siyang nangasiwa ng nasabing gawain; mga Municipal Coordinators at mga pinuno ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps; mga kawani ng MSWDO ng anim (6) na bayan, at mga opisyal ng mga barangay ng mga kasaling bayan.Ang naturang aktibidad ay tugon ng ating pamahalaan sa panawagan ni UN Secretary-General Ban Ki-moon sa mga kalahok na mga bansa na makiisa sa nalalabing 6 na taon na makamit ang napagkasunduang MDG noong taong 2000. Ayon sa kanya:
“Time is short. We must seize this historic moment to act responsibly and decisively for the common good.”…"We have made important progress in this effort, and have many successes on which to build. But we have been moving too slowly to meet our goals".
Ang MDG ayon sa Greenfacts: “The Millennium Development Goals (MDGs), endorsed by governments at the United Nations in September 2000, aim to improve human well-being by reducing poverty, hunger, child and maternal mortality, ensuring education for all, controlling and managing diseases, tackling gender disparity ensuing sustainable development and pursuing global partnerships.”
At ang Stand Up-Take Action ayon kay Salil Shetty, direktor ng UN Millennium Campaign: “Over 100 million people mobilized under the slogan “Stand Up - Take Action” at events in more than 100 countries around the globe between 17 and 19 October to demand that world leaders do not use the financial crisis as an excuse for breaking the promises they made in 2000 to achieve the Millennium Development Goals. "In rich and poor countries… millions of people showed that they will not remain seated in the face of poverty and broken promises to end it.”
Naging matagumpay ang partisipasyon ng mga kinatawan ng bayan ng Naujan sa okasyong ito sa pamamagitan ng mga pagpapagal nina MSWDO Abstenencia C. De Guzman, Mileah J. Solano, at Vernon Agleron ng 4Ps-Naujan. Sila ang magiging pangunahing frontliners na aagapay kay Mayor Romar G. Marcos sa pagtataguyod ng MDG at Stand Up-Take Action programs ng UN sang-ayon sa napagsumpaan. (ESL)
Reference: http://www.un.org/
Subscribe to:
Posts (Atom)