Pages

Wednesday, February 24, 2010

BPATS: PAGSASANAY NG MGA BANTAY SA BARANGAY

Kaugnay ng pagpapatibay at dagdag kaalaman ng mga Barangay Tanod, isinagawa ang Capacity enhancement for Barangay Tanods Cum Orientation for Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS) noong ika-22 ng Oktubre hanggang Nobyembre 11, 2009 sa Bahay Tuklasan. Ito ay dinaluhan ng 545 na mga kapitan, mga konsehal na may hawak ng Committee on Peace and Order, at lahat na mga barangay police.

Ang naturang gawain ay isinagawa sa ilalim ng Barangay NEO Program Phase III ng DILG na may mga trainers at resource speakers mula sa Red Cross, DILG, PNP at LGU. Tinalakay ang mga paksang Disaster Management and First Aid and Life Saving Techniques na hatid ng Red Cross. Ibinigay naman ng DILG ang mga kaalaman tungkol sa Barangay Organizational Structure; Role of Barangay Peace and Order Committee; Qualifications, Duties and Responsibilities of Barangay Tanods; at Formulation of Barangay Public Safety Plan.
Natutunan din ng mga barangay police sa pamamagitan ng orientation na binigay ng Pulisya ang Patrolling/Ronda; Basic Intelligence and Investigation; at Arresting Procedure and Techniques with Actual Demo. Tinuruan din ang mga barangay police sa paggamit ng arnis. Ang bawat isa ay binigyan ng kani-kanilang arnis at chaleko mula kay Rep. Alfonso “PA” Umali.

Bahagi rin sa gawain ang Personality and Leadership Development na ibinigay ni Konsehal Jun S. Bugarin. Tinalakay ng konsehal na isang book-lover at dating trainor ng isang management company ang paksa gamit ang mga curriculum na hango sa mga leadership experts tulad nina Dr. Sydney Newton Bremer, Dale Carnegie, John Newton, atbp. Ito ay naglalayong ma-develop ang leadership at grooming habit ng mga barangay police.
Bukod sa Punumbayan Romar G. Marcos ay kasama rin sa naturang gawain sina Vice Mayor Wilson A. Viray PNP-Naujan COP PCI Christopher M Abecia, Kgg. Dominador Y. Bahia at MLGOO Amelia L. Ramos bilang mga pangunahing bumubuo ng pangasiwaan ng naturang programa. (ESL)

No comments:

Post a Comment

Nais mong magkomento?