Isinagawa ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Nakatatandang Mamamayan sa bayan ng Naujan noong Oktubre 21, 2009 sa temang “Nakatatanda: Dangal ng Bayan, Noon at Ngayon.” Isang programa ang inihanda sa Mena G. Valencia Gymnasium na kinapalooban ng mga patimpalak tulad ng ballroom dancing at parlor games. Dinaluhan ang okasyon ng humigit-kumulang 1,500 opisyales at kasapi ng mga samahan ng Senior Citizens sa mga barangay ng Naujan na nagpamalas ng kanilang patuloy na pakikiisa sa organisasyon. Sa kabila ng nakakapagod na mga gawain at partisipasyon, naipakita ng ating mga nakatatandang mamamayan ang sigla at kasiyahan sa nasabing pagdiriwang.
Samantala, nakiisa rin ang may siyamnapung (90) senior citizens sa pagdiriwang ng Provincial Senior Citizens Month sa bayan ng Gloria noong Oktubre 22, 2009. Ang Naujan Elderly Citizens Association (NECA) ay nasa pamumuno ni Mabini R. Comia bilang pangulo at sa pamamatnubay ni Romeo M. Laygo bilang chairman ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA). Sinusubaybayan naman sila ng Municipal Social Welfare and Development Office ng bayan ng Naujan. (Sherwin R. Anyayahan)

No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?