Disyembre 16, 2009. MGV Gymnasium. Umabot sa 88 donors ang nagbigay ng dugo na nagmula pa sa 30 barangay. Dalawa rito ay mula pa sa Biga at Puting Tubig ng Calapan City at 1 ay galing sa Malabo, Victoria.
Sa mga barangay na nakapagbigay, Brgy Sampaguita- ang tahanang barangay ng Pangalawang Punumbayan Wilson A. Viray ang may pinakamaraming nahikayat na donors na umabot ng 14; 10 naman ang sa pumapangalawang Brgy. Evangelista; 8 sa Pinagsabangan II, 7-Pinagsabangan I, at tig-6 naman ang mga barangay ng Bagong Buhay at Pagkakaisa.
Isang malaking hamon ang magbigay ng dugo lalo na sa mga first timers. Bukod sa tension dulot ng kaisipan na mababawasan ng dugo, ay napakalaking suwero pa ang isinasaksak sa ugat. Bagaman at halos wala namang nararamdamang kirot ang isang donor, dapat silang pasalamatan at kung pwede ay parangalan. Dahil ang gawang ito ay isang uri ng kabayanihan.
Simula nang maitatag noong Setyembre 2008 ang Naujan Municipal Blood Council, kulang-kulang 700 na ang nakapagbigay ng dugo. Isang napakalaking bagay para sa mga mahihirap na hindi kayang bumili nito.
Marapatin man nating banggitin ang lahat na pangalan ng mga nakapagbigay, ito ay hindi kayang ilathala ng pahayagang ito. Banggitin na lamang dito yaong nakapag-donate ng 3-5 beses. Sila ay sina Pangalawang Punumbayan at Chairman ng Naujan Municipal Blood Council Kgg. Wilson A. Viray, Kon. Sheryl B. Morales, Carlota L. Conti ng Municipal Health Office, at Reynold Viray ng Sangguniang Bayan na pawang nakapag-donate ng 5 beses; si Armie Villena ng MHO ay nakapagbigay ng 4 na beses. Sina Marlon Alcancia ng MHO, Dexter Cueto, Virgilio Mangulabnan at Amando Olivo (parehong nasa Mayor’s Office) ay nakapagbigay ng 3 beses. Ang ibang nakapagbigay ng 1-2 beses ay nakasulat sa kalendaryo at Tarpaulin ng Naujan Municipal Blood Council.
Maaring hindi pa napasama ang mga pangalan ng iilang nakapagbigay buhat noong Nobyembre 26, 2009. Ngunit kasama sila sa mga hinahangaan at binibigyan ng papugay ng pamayanang Naujeňo sa kabayanihang kanilang ginampanan. (ESL)
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?