Pages

Thursday, February 25, 2010

PAMASKONG HANDOG: Joint CIVAC ng Naujan, Navy, Army

Labis na ikinatuwa ng mga Naujeňo ang isang joint CIVAC o Civic Action na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Naujan, Philippine Navy, at Philippine Army noong ika-19 ng Disyembre 2009 sa MGV Gymnasium.
Bilang pagpapaunlak sa paanyaya ni Mayor Romar G. Marcos, ang nasabing gawain ay dinaluhan ng humigit-kumulang 1500 ka tao na kinabibilangan ng mga guro at estudyante, barangay officials, at mga Naujeňong may mga karamdaman.

Ginanap sa naturang gawain ang dental at medical mission na may kasamang libreng tuli. Namigay rin ng mga libreng gamot sa high blood at diabetes at mga bitamina para sa mga bata at matatanda.

Tampok rin ang pamimigay ng mga sapatos sa 500 na estudyante ng High School at Elementary; 95 sako ng relief clothes para sa mga mahihirap; 15 sakong relief goods mula sa Sagip Kapamilya ng ABS-CBN; at 25 Wheel Chairs para sa mga lumpo, special children, at mga matatanda.
At habang isinasagawa ang CIVAC ay ini-entertain naman ng Naval Station Jose Francisco Band Combo ang lahat na nasa loob ng Gymnasium.

Naisakatuparan ang nasabing gawain sa pamamagitan ng pakikipagkoordinasyon ni Mayor Marcos kina CDR ROWEN Y PAROGINOG, Assistant Chief of Staff for CMO ng Philippine Navy at CPT GREGORIO R DE GUZMAN, CMO Officer ng 203rd Brigade. Nakipagtulungan sa MHO sa pangunguna ni Dr. Mary Jean I. Manalo at MSWDO sa pangangasiwa ni Gng. Abstenencia C. De Guzman ang mga doctor ng Navy (Medical Corps): MAJ ERICKSON L GOB, CAPT NEALON EUGENE P BATALLA at P/2LT JULAND E SANGOY; mga doctor ng Army: MAJ BEN HUR A CARIŇO, Dentist at Dr. Baldomero A. Esteban Jr, MD private practitioner mula sa bayan ng Victoria. (ESL)

No comments:

Post a Comment

Nais mong magkomento?