Ang pagkakaroon ng bagong Fire Code of the Philippines 2008 o RA 9514 ay isang napakalaking pagpapatibay ng Bureau of Fire Protection (BFP). Dahil ito ay nagbibigay “pangil” ayon kay Inspector Ronald O Cupiado, Fire Marshal ng nasabing ahensya pagdating sa implementasyon ng Fire Code sa publiko.
Noon ay maraming decision ang BFP na nakasalalay sa LGU. Ngunit ngayon, sila ay maari ng makapagsarado ng alin mang gusali at mga establisemento na hindi tumatalima sa bagong Fire Code. Maging sa ngayon ay hindi na dumadaan ng kahera ng munisipyo ang pagbabayad ng fire Inspection.
Mapalad ang bayan ng Naujan na pagdating sa ulat ng may kinalaman sa sunog, mas malaki pa ang koleksyon ng BFP na nagkakahalaga ng Php 116,123.27 kumpara sa mga nasunog na mga property na nagkakahalaga lamang ng Php 90,000.00. Kaya’t ang BFP-Naujan ay abala hindi sa pakikibaka laban sa apoy kundi’y sa paghahandang maiwasan ang sunog. Sa taong 2009, ang nasabing ahensya ay nakapagsagawa ng 272 fire Safety Inspections, 32 Fire Safety Seminars, 21 Barangay Fire Brigade Organization, at 37 barangay na naging bahagi ng Ugnayan sa Barangay.
Ang kasalukuyang BFP Naujan na pinamumunuan ni Inspector Cupiado ay may 7 personnel na hinati sa 2 shift para sa 24 oras na tour of duty. Ito ay may 2 fire trucks. Sang-ayon sa huling rekomendasyon ng BFP, sila ay kulang sa tao pagdating sa ideal ratio ng 1 Fireman bawat 2000 katao at 7 Firemen bawat 1 Fire Truck.
Ang tanggapan ng BFP ay huling na-rehabilitate sa initiative ng Punumbayan Romar G. Marcos nito lamang taong 2009. Ito’y napapinturahan, naayos ang mga kisame at naging bago ang toilet and bathroom sa kabuoang halaga na Php 86,836.00 lamang. Tinutustusan ang ahensya ng 3 casual employees mula sa Mayor’s Office at libreng fuel at maintenance ng Morita (Red ) Fire Truck. (ESL)
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?