Bilang bahagi ng HEARTS program sa kategorya ng Livelihood, itinalaga ng munisipyo ang PESO Manager na si G. Aloysius G. Pesigan bilang Community Training and Employment Coordinator o CTEC noong buwan ng Oktubre 2009. Ito ay pagkaraang natapos niya ang convention na isinagawa ng TESDA.
Trabaho ng CTEC ang pag-iikot sa mga komunidad ng bayan upang maglunsad ng technology-transfer activities. Layunin nito ang makapagbigay sa pamayanan ng mga bagong kaalamang pangkabuhayan. Sa pamamagitan nito, hindi lamang ang bilang ng mga walang hanapbuhay ang maiibsan, maging mga bagong negosyante ay dadami pagdating ng panahon.
Sabi ni Pesigan, may mga naisip na siyang mga teknolohiyang angkop sa pamayanang Naujeňo. May mga nabanggit siyang mga ahensiyang maging katuwang sa programa. Isa na rito ang Tanggapan ng Pambayang Pansakahan. Sinabi niya na maging mga dayami lang ng palay ay marami ng puwedeng maging hanapbuhay ang mga Naujeňo. Kinakailangan lamang diumano ang kanilang kooperasyon, lalong-lalo na sa patuloy na paggamit ng mga bagong tanggap na kaalaman sa mga teknolohiyang pangkabuhayan. (ESL)
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?