Pages

Sunday, February 28, 2010

Mga Pakinabang ng Ilulunsad na NAD Breeding Center

Isa sa mga programa ng NAD Breeding Center na malapit ng mailunsad ay ang Artificial Insemination (AI). Layunin nito na mapadali ang pagpapalahi ng ating mga alagang hayop. Kabilang dito ang baboy, small ruminants o kambing, at large ruminants o mga kalabaw at baka. Isa rin sa kapakinabangan ng AI ang pag-iwas sa mga sakit na maaring makuha sa mga bulugan.
Para sa pagbabuyan, isang Duroc Pietrain breed na bulugan ang gagamitin ng NAD na isang garantisadong magandang lahi at malakas magbigay ng semilya.Mayroon ding programang organic swine raising na kung saan ay 100% organic ang pakain (feeds). Ito ay maglalaman ng kamoteng kahoy, kamote tops, trichantera, malunggay, saging at gabi. Layunin nito ang mapababa ang gastusin sa pakain ngunit nanatiling mataas ang kalidad ng karne ng baboy.

Kabilang sa mga proposal ang isang programang ilalaan sa 5 barangay ng mga Mangyan na naglalayong magbigay ng kaalamang teknikal sa paghahayupan na angkop sa kanila.

Ang pakikiisa ng pamayanang Naujeňo sa programa na maari ng magsimula ngayong 2010 ay maging isang bahagi ng tagumpay ng HEARTS Program ng Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office. (Charity D. Alagao)

No comments:

Post a Comment

Nais mong magkomento?