Pages

Sunday, February 28, 2010

TURN-OVER CEREMONY NG KBP NG NAVY, ARMY ISINAGAWA

Isinagawa ang turn-over ceremony ng Kalayaan sa Barangay Project (KBP) ng Philippine Army at Philippine Navy sa Bayan ng Naujan noong ika-19 ng Disyembre sa MGV Gymnasium.

Kaugnay nito ang isang medical mission na nakatulong sa maraming pasyente mula sa 3 Poblacion na mga barangay, Estrella, Concepcion, Andres Ylagan, Santiago, Motoderazo, Pinagsabangan II, Antipolo, at iba pang mga barangay sa pangunguna ng mga boluntaryong doktor ng Navy at Army at ng mga kawani ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Mary Jean I. Manalo. Isinagawa ang libreng konsultasyon, pagtutuli, bunot ng ngipin at mayroon ding mga libreng gamot at bitaminang pinamigay.

Sa pangangasiwa ng MSWDO, namahagi ng mga used clothes at daan-daang pares ng sapatos kasama na ang mga relief goods buhat sa ABS-CBN Sagip Kapamilya. Namigay rin ng mga wheelchairs sa assistance ni Punumbayan Romar G. Marcos at mga kawani ng MHO. Bahagi rin ng programa ang ceremonial turn-over ng mga susi ng bagong yaring mga classrooms sa mga barangay ng parehong bayan ng Naujan at Victoria.

Tampok ang pagkaloob ng mga Certificate of Appreciation ni Mayor Marcos sa mga panauhing Navy at Army bilang pagkilala sa mga taong nasa likod ng tagumpay sa ginawang turn-over.(Carlota L. Conti)

No comments:

Post a Comment

Nais mong magkomento?