![]() |
Ni: Engr. Elmer Lopoz |
“Magkaisa tayo!” ito ang laging
panawagan ng bawat administrasyon. Tama o mali ba ito ? Walang problema sa
pananawagan. Magkakaroon lamang ng problema kung hindi masusunod ang pamantayan
ng katuwiran sa katanungang “In what or whose terms?”
Maraming
lider ang nangungumbinse na samahan sa kanilang liderato. Normal lamang at
hindi mali ito. Ngunit ang isang tagasunod ay dapat munang suriin ang
pamantayan ng liderato.
“In
what terms?” Sinasagot
ito kung batas ba o/at pulitika ang layunin.
Alinman sa dalawa, siguraduhin lamang na hindi nawawala ang batas. Isang
batayan kung nasusunod o hindi ang batas ay sa pamamagitan ng pagsuri kung
itinutuloy ba ng nasabing lider ang mga
proyekto ng kanyang pinalitang lider. Kung pinabayaan ng nasabing lider na
masayang ang proyekto ng kanyang sinundan, mag-ingat sa kanyang panawagan ng
pagkakaisa. Baka pagkakaisa lamang sa pulitika ang kaniyang tinutumbok at hindi
para sa ikauunlad ng bayan. Marami lamang masasayang na pera. Ang walang
pakundangang pagsunod sa ganyang lider ay nakikiisa sa pag-aaksaya ng kaban ng
publiko!
Nang
maupo ang kasalukuyang administrasyon, maraming nagdatingang mga request sa Tanggapan ng Punumbayan. Hindi agarang
maaksyunan ni Mayor Mark Marcos ang mga kahili- ngan dahil tinitingnan kung
anong mga programa ni Mayor Angie Casubuan ang hindi pa natatapos. Sinisiguro
lamang na hindi maapektuhan ang mga ito kapag pinaunlakan ang mga kahilingan.
Tuwing
may request, ang laging tanong ng Municipal
Administrator Angel Navarro,”ano ang naka-programa?” Tinutukoy ng huli ang
programa ng nakaraang administrasyon. Kapag si Mayor Marcos ang kaharap ng may
kahilingan, pinatatawag ang in-charge ng programa upang siya mismo ang magpaliwanag doon sa may request.
Ito
ang kagandahan kung ang “terms” na hawak ng liderato ay batas.
Hindi mangangamba ang isang tagasunod
na baka malagay sa alanganin dahil mayroon siyang legal na pinanghahawakan.
Hindi na siya magdadalawang-isip kung paano lumapit at kung anong partido ang
kanyang kinaaniban dahil may legal basis ang kanyang pakay. Ang lider naman na namumuno ayon sa batas
ay walang pakialam sa partido ng may pakay dahil batay sa batas ang kanyang
liderato, kaya’t paglilingkuran niya pa rin ng patas ito.
“In
whose terms?” May 3 anggulo ang kasagutan
nito. Kung sa pansariling panig ng lider lamang, purong political at pansarili ang motibasyon. Alam ng
lahat na hindi maganda ito. Mayroon ding estilong pilantropo na panay sa panig
ng may pakay/tagasunod nakasentro ang benepisyo. Ganito ang estilong Cong.
Manny Pacquiao, Vice Mayor Joel C. Teves at yumaong Mayor Romar G. Marcos.
Maganda at kahanga-hanga, masakripisyo lamang a masakit sa bulsa ng lider. Ang
ikatlo ay para sa lahat. Makikinabang pati lider, habang nakikinabang ang mga
tagasunod/may-pakay at ang sambayanan. Nangangailangan lang ito ng palagiang
update sa batas, mga panukala ng gobyerno at Information, Education and Communication (IEC) upang malaman ng lahat ang kani-kanilang
mga karapatan at tungkulin.
“In
what and/or whose terms” tayo
magsasama-sama? Laging sa ikatataguyod ng batas na pawang kapakanan ng
taumbayan ang sukdulang hinahanap, diyan tayo makiisa.
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?