Isa ang water lily sa problema ng mga mamamayan sa lakeside barangays ng Naujan. Gayundin sa
mga barangay na dinaraanan ng Butas River. Dahil sa mabilis na pagdami ng water lily, naging sanhi ito ng pagbara ng mga
kailogan at daluyan ng tubig sa kahabaan ng Butas River. Kaya’t naghanap ng
alternatibong lunas ang Provincial Tourism Investment and Enterprise
Development Office (PTIEDO) sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pamamagitan ng mga tanggapan ng
Turismo, Poverty Reduction at ng mga Sangguniang Barangay ng Naujan na
nasasakupan ng nasabing ilog at lawa. Sila ay bumuo ng konsepto para sa ikalulutas
ng nasabing problema.
![]() |
Kahit walang pinag-aralan hindi mahihirapang matuto sa paggawa ng produktong yari sa water lily. Magandang kabuhayan ito para sa lahat.
|
Noong
Agosto 29-31, 2013 isinagawa sa Bara-ngay Dao ang training and seminar para sa paggawa ng iba’t ibang
produkto na yari sa water
lily
sa tulong ng Villar Foundation. Itinuro sa mga dumalo ang paggawa ng mga
tsinelas, banig at fruit
tray. Ito
ay sinalihan ng mga taga Montelago, San Isidro, Concepcion, Antipolo at San
Jose.
Naging
matagumpay ang nasabing gawain na naghikayat sa mga tao na kumita at maging
malikhain mula sa dating suliranin na water lily.
Ang
nasabing proyekto ay nagkaroon ng booth para
sa exhibit ng mga produkto sa ginanap na
Agro-Trade Fair noong Pistang Bayan ng Setyembre 2013.
Nangako
naman ang Villar Foundation na handa silang tumulong para sa patuloy na
ikauunlad ng nasabing proyekto sa Naujan.
Naging
matagumpay ang proyekto sa pama-magitan nina Orlando Tizon ng Provincial
Tourism, Raquelita Umali, OIC-MPDC/Tourism Coordinator, Kon. Dan Melgar,
Chairman ng Committee on Trade and Industry at Angel Navarro, Municipal
Administrator Municipal Poverty Reduction Action Officer na siyang nagpupursiging
maipatupad ang mga programa ni Mayor Mark Marcos na kagaya nito.
Nelson G. De Guzman
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?