Muling ibinalik ang pagdaraos ng DaBaLisTiHit Festival kaalinsabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ni San Nicolas De Tolentino sa ating Bayan noong ika-10 ng Setyembre 2013.
![]() |
Ang DaBaLisTiHit ay taunang pagdiriwang para sa mga isdang pinagkakakitaan mula sa Naujan Lake. |
Sa temang One Beat, One Celebrartion, One Mission kung saan nilahukan ng mga piling mga bata mga mula sa mga barangay ng Barcenaga, Laguna at Melgar, ang mga pa-ngunahing daan ng Poblacion ay na-ging makulay, masigla at maingay sa nasabing okasyon.
Ang Dabalistihit Festival ay isang programa ng Pamahalaang Bayan
ng Naujan sa pagpapaunlad ng Turismo. Layunin nitong ipakilala ang dalag,
bangus, banglis, tilapia at hitong matatagpuan sa lawa ng Naujan. Layunin din
nito na ipakita ang kaugalian ng mga mamamayang Naujeno kaugnay ng sama-samang
pangingisda sa lawa bilang pangunahing gawaing pangkabuhayan.
Jadel F. Dagdagan
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?