Itinaya ng Municipal Engineering
Office (MEO) sa 40% progreso ang Sagana at Ligtas na Tubig sa Lahat
(SALINTUBIG) Project sa Melgar A at Montelago na sinimulan noong buwan ng
Oktubre, taong kasalukuyan.
Ang
mga proyekto ay nasa pipe-laying stage na at inaasahang matapos sa Disyembre
2013 at handa nang gamitin ng mga konsumante sa Marso 2014. Ito ay
nagkakahalaga ng Php 2.20 Milyon. Ang Php 2.00 milyon ay mula sa DILG na
ibinibigay sa 2 bahagi. Ang unang Php 1.00 Milyon ang pinagkunan ng gastusin sa
Pre-engineering Design at iba pang pag-aaral. Ang pangalawang Php 1.00 Milyon ay
ibibigay lamang kapag mayroon nang 10% na nagastos sa kabuuang badyet. Ang
Php 200,000.00 ay counterpart
ng Pamahalaang
Bayan ng Naujan.
Pinaghati-hatian
ang Php 2.20 Milyon sa tatlong proyekto. Php 850,000.00 ang napunta sa Melgar A
na pakikinabangan ng 231 bahayan. Ito ay gagamitin sa pagsasaayos ng 1 tangke
na may 21 metro-kubikong kapasidad at sa paglalagay ng mga tubo papuntang mga
bahayan. Ang Php 710,000.00 naman ay napunta sa Sitio Proper ng Montelago.
Pakikinabangan ito ng 75 bahayan. Sa Sitio Balangibang, Montelago naman napunta
ang php 640,000.00 na may 41 bahayang makikinabang.
Ang
proyekto ay ipinatutupad sa aktwal na halagang Php 1.90 Milyon na siyang bid amount ng nanalong contractor, Great Lakes ng Calapan City. Ang
Php 300,000.00 ay savings ng pamahalaang lokal at maaring gamitin sa ibang mga programa
at proyekto.
Nagkaroon ng nasabing
proyekto sa mga natukoy na barangay dahilan sa kanilang existing water users association na siyang pamantayan ng DILG upang
mabigyan ng pondo. ESL
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?