Walang partido at walang
anumang grupong itinatangi sa isinagawang Unity Run sa madaling-araw ng Oktubre
26, 2013 na pinangunahan ng Naujan Police Station sa pamumuno ni PCI Neil R
Apostol, Chief of Police.
![]() |
THE RUNNING MAYOR: Si Mayor Mark N. Marcos (harapan,kaliwa) kasama ang escort niyang pulis, PO3 John Escalona (kanan) at mga DepEd teachers (sa likuran).
|
Ang
takbohan ay nagsimula sa Liwasang Bonifacio patungo sa pinakamalayong
destinasyon nito sa Barangay Motoderazo para sa 10 km run. Ang dalawang
destinasyon ay 5 km at 3 km na parehong nasa Barangay Santiago.
Isinagawa
ang takbuhan para sa Safe And Fair Election (SAFE) para sa Halalang Pambarangay
noong Oktubre 28, 2013. Ito ay may temang: “Takbo Para sa Mapayapang Halalan
Tungo sa Tuwid na Daan.” Layunin nito na maiwasan ang karahasan at ma-ging
patas ang tunggalian sa pamumuno sa Barangay. Kaakibat din ng nasabing takbuhan
ang fund-raising
para sa mga out-of-school youth (OSY) ng alternative learning system
(ALS) sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga tickets sa mga nakilahok.
Ang
aktibidad na voluntary
ang partisipasyon
ay nilahukan ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor tulad ng PNP, BFP,
BJMP,
mga guro mula sa
DepEd at pribado, PGBI,
Triskelion
fraternity, municipal officials and employees, mga kandidato sa barangay election at mga karaniwang mamamayan na interesado
sa gawaing pangkalusugan.
Sinabi
ni Chief Apostol na isinagawa rin ang naturang aktibidad upang ipamulat sa
pamayanan ang kahalagahan ng ehersisyo sa kalusugan.
Tampok
sa aktibidad ang partispasyon ng Punumbayan Mark N.Marcos na tumakbo ng 5
kilometro: 2.5 km straight
run
at 2.5 km intermittent
run pabalik ng starting line. Ipinamalas ng Punong Ehekutibo
na kahit gaano ka-busy
ang isang tao,
maari pa ring maging malusog at balansiyado ang kanyang buhay sa pamamagitan ng
pagbibigay panahon sa ehersisyo.
Mario
Martinez/ESL
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?