![]() |
Ni: Mayor Mark N. Marcos |
Ipagdiwang natin
ang buhay! Ipagdiwang natin ang paglilingkod sa taumbayan!
Ang
paglilingkod ay hindi lamang bahagi ng buhay, ang paglilingkod ay mismong
kabuuan ng buhay. Wika nga ni Mother Theresa, “A life that is not lived for others is not worth-living.”
Nitong
mga buwan ng Setyembre at Oktubre, tayo ay nagdiwang ng iba’t ibang aspeto ng
serbisyo-publiko; mga gawain na bahagi na ng buhay, hindi lamang ng mga lingkod
ng bayan kundi ng buong pamayanan ng Naujan. Ang mga ito’y pakikibahagi na rin
natin sa mga programang nasyunal, hindi bilang pagsunod sa mga itinakdang requirements, kundi bilang mga Pilipino na
nakikiisa sa pagsunod sa mga umiiral na batas at mga gawaing nagtataguyod ng kapakanan ng taumbayan.
Sa
pagpasok ng buwan ng Setyembre, nakibahagi ang lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng Pistang Bayan. Ito ay
tradisyon na ng pamayanang Naujeňo na minana natin sa pamahalaang lokal noong kapanahunan ng mga Kastila.
Ipinakikita ng pagdiriwang na ito ang mayaman nating kultura at kung saan ito
nagmula. Relihiyoso man ang naturang gawain, malaki ang naging epekto nito sa
programang panturismo ng ating bayan.
Bahagi
ng nasabing gawain ang pagdiriwang ng National Year of Rice (NYR) 2013. Bilang Rice Granary of Oriental Mindoro nararapat lamang na pangunahan natin
ang lahat ng suporta sa programang ito sa ating lalawigan. Gagawin natin ito bilang
ulirang mga producer
at consumer ng palay/bigas. Magtanim po tayo ng
mga binhing itinataguyod ng Kagawaran ng Pagsasaka upang tumaas ang ani.
Magsaing at kumain lamang tayo ng sapat upang maiwasang makapag-aksaya ng
kanin. Kahit papaano, hindi man kalakihan ang bayan natin na kung tutularan
lamang ng ibang pamahalaang lokal ng
buong bansa, malaki na rin ang magagawa para mabawasan ang national importation ng bigas para sa 2014. Ito’y isang pagkakataon upang
makapaglingkod sa bayan kahit na hindi kawani ng gobyerno.
Bilang
Punong Ehekutibo ng lokal na ahensiya ng gobyerno, nakakataba ng puso ang tema
ng ika-113 Anibersaryo ng Philippine Civil Service na “Tatak Lingkod
Bayani, Isabuhay, Ipagmalaki
at Ipagbunyi”. Tayo ay nakiisa sa Civil Service Month Celebration noong buwan
ng Setyembre. Sa ngayon ay pinag-aaralan natin ang implementasyon ng merit system para sa mga kawani ng munisipyo
upang maitaguyod ang matuwid at mahusay na paglilingkod sa bayan. Gagawin natin
ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga parangal at gantimpala sa mga
matatapat na empleyado.
Bilang
bahagi ng development
ng mga kawani,
ipinagdiriwang natin ang Employees’ Day sa buwan ng Oktubre. Ito’y pagkakataon
upang ma-refresh ang mga lingkod ng bayan at
magkaroon ng panahon na makisalamuha sa bawat isa para sa tunay na kahulugan ng
camaraderie. Kinakailangan din ito upang sila’y
lalo pang maging epektibo at episyente sa kani-kanilang ginagampanang mga tungkulin.
Ang mga kawani ng munisipyo ang workhorse ng ating pamahalaang lokal tungo sa ikauunlad ng ating
bayang Naujan.
Hindi man nakakapagpayaman
ang paglilingkod sa bayan dahil hindi
naman kalakihan ang tinatanggap na sweldo ng mga empleyado, dapat itong
ipagdiwang lalung-lalo na ng mga kawani dahil kahit minsan sa buhay ng isang
empleyado ng gobyerno, ang bawat isa sa atin ay tinawag na “Lingkod-bayan”.
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?