Isa sa mga mahahalagang
gawain na dinaluhan ni Mayor Mark Marcos ang Regional Disaster Summit sa Bureau
of Soils, Quezon City na isinagawa sa ikalawang linggo ng Oktubre 2013.
![]() |
Ang bayang laging nakakaranas ng mga kalamidad ay nangangailangan ng lideratong handang harapin ang mga ito.
|
Dahil
sa kagustuhan na maging ‘disaster-resilient municipality..’ ang Naujan
sang-ayon sa vision
statement nito
kaugnay sa disaster
risk-reduction management,
tinapos ni Mayor Makoy ang summit upang kuhanin ang lahat ng mga impormasyong
kinakailangan.
Nakita
ng punumbayan na ang Pilipinas ay isa sa ‘Top 5’ na mga lugar na kung saan ang
pwersa ng kalikasan ay palagi ng naroon. Dito niya nalaman kung gaano ka-prone ang bayan ng Naujan sa mga disaster
sa pamamagitan ng ipinakitang Flood Susceptibi-lity Map at Landslide
Susceptibility Map. Natutunan din ni Mayor Marcos na hindi kinakailangang
napakamoderno ng mga kagamitan upang makaresponde sa isang disaster.
Kinakailangan lamang daw ng early warning system na dapat ay laging naroon sa mga barangay.
“Paghandaan
natin ito nang mabuti,” wika ni Mayor Marcos sa Acting Municipal Disaster
Risk-Reduction Ma-nagement Officer (MDRRMO) Angel M. Navarro, na tumutukoy sa
paparating na mga kalamidad.
Hinihimok
din ng ama ng bayan ang kooperasyon ng mga opisyales ng bara-ngay na magbato ng
impormasyon sa munisipyo hindi lamang sa panahon ng mga kalamidad upang maagang
makapagbalangkas ng mga plano at nang makapagbigay ng mga angkop na aksyon sa
panahon ng kalamidad.
Sa isang bahagi ng ulat ni
Mayor Mark Marcos kaugnay sa nasabing okasyon, sinabi niyang “Salamat sa
Panginoong Diyos at ang bayan ng Naujan ay hindi nakaranas ng masyadong hagupit
dulot ng habagat at bagyo.” ESL
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?