Naging matagumpay ang
pagdiriwang ng Silver Anniversary ng Binibining Naujan sa pangunguna ni Kgg.
Sheryl B. Morales bilang Chairperson ng nasabing patimpalak. Tatlumput anim na
naggagandahang Naujeña ang nagpakita ng angking kagandahan at talento sa
itinakdang apat na araw na auditions sa ibat ibang bahagi ng bayan ng Naujan.
![]() |
Bb. Naujan 2013 Official Candidates |
Sa
masusing pagpili ng kasapi ng executive committee sa tulong ng pageant director, Arnol M. Rosales at choreographer, Dennis Basilan at sampu ng kasapi,
ipinakilala sa madla noong nakalipas ng ika 27 ng Agosto sa Conference Hall,
Bahay Tuklasan ang labing-apat na opisyal na kandidata mula sa iba’t ibang
bahagi ng Naujan. (makikita sa official facebook fanpage account ang kumpletong
listahan ng mga kandidata : https://www.facebook.com/binibiningnaujan)
Ika-6 naman ng Setyembre ay ipinamalas ng mga dilag ang kanilang talento na
ginanap sa bulwagan ng Naujan Academy. Naging masaya at maningning ang gabi ng
koronasyon noong ika-8 ng Setyembre na dinaluhan ng iba’t-ibang personalidad ng
ating bayan at lalawigan na pina-ngunahan ni Cong. Paulino Salvador Leachon.
Sinimulan ang patimpalak ng isang panalangin buhat sa ating butihing
Punumbayan, Atty. Mark N. Marcos, Pangalawang Punumbayan Henry Joel C.Teves at
mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Tulad ng ibang patimpalak, nagkaroon ng swimsuit at long gown presentation. Nagalak naman ang mga manonood nang
sorpresang ang magtanong sa question and answer part ay ang kinoronahang Binibining Pilipinas 2013 Ariella Arida via recorded video. Sa huli, tinanghal ang mga
sumusunod: Most
Congeniality, Best in Swimsuit and Long Gown- Recel Kalaw ng Melgar ; Miss Photogenic- Leslie Ann Consigo ng Santiago, Best in Talent and Bread and
Butter’s Choice Award-
Megan Tristine Atienza ng Poblacion III; at natanggap ni Jeanny Pedroza ng
Bayani ang People’s
Choice Award.
Nagkamit naman ng major
awards ang
mga sumusunod: bilang 2nd Runner-Up – Lea Belano ng Sta. Cruz, 1st
Runner Up– Leslie Ann Consigo, Bb. Naujan Dabalistihit – Jeany Pedroza, Bb. Naujan Mahalta
Recel Kalaw (Melgar B), Bb. Naujan-Oriental Mindoro – MeganTristine Atienza .
Taos-puso namang nagpasalamat ang pamunuan ng Binibining Naujan Silver sa mga taong sumuporta sa likod
ng tagumpay ng pinakamaningning na patimpalak sa bayan.
Mark Louie Macatangay
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?