Pinadala ng munisipyo ang 3
kinatawan nito sa Multi-sectoral Advocacy Campaign On Downstream Oil industry
na isinagawa sa Filipiniana Hotel, Calapan City noong Oktubre 8, 2013.
Ito
ay tugon sa paanyaya ng Philippine Information Agency (PIA) sa ilalim ng
Department of Energy (DOE)-PIA Communication Initiatives Program para sa
malawakang pagpapalaganap ng impormasyon sa kalakalan at industriya ng petrolyo
sa bansa.
Inatasan
ni Mayor Mark N. Marcos sina Municipal
Treasurer Arleen B. Gutierrez, Permits and License Division Chief Marieta M. Panelo at ang may-akdang ito ayon sa kahilingan ni
Director Zenaida Y. Monsada ng Oil Industry Management Bureau (OIMB) ng DOE.
Naging
kapaki-pakinabang ang nasabing gawain sa pagbibigay impormasyon hinggil sa
tamang kalakalan ng produktong petrolyo. Ito ay lubos na nakakaapekto sa mga
mamamayan ng Naujan. Tinalakay rin ang mga ilegal na pagsasagawa ng
panga-ngalakal na naging sanhi ng nakamamatay na mga aksidente dulot ng hindi
pagtalima sa batas.
Umapela
ang DOE sa mga lokal na pamahalaan na:
Magkaroon ng malakas na pampublikong posisyon
sa suporta nito upang ihinto ang mga
ilegal na gawain sa sektor ng liquefied petroleum products (LPP) at LPG
Magpasa at magpatupad ng lokal na ordinansa na
susuporta sa pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon ng DOE sa LPP at LPG
Ipatupad ang pagpapasara ng mga nagkakamaling establishment ayon sa inirerekomenda ng DOE
Suportahan ang pampublikong kamalayan sa programa ng
DOE sa LPP at LPG safety
Suportahan ang agarang pagpasa ng LPG Bill
Naging
matagumpay ang nasabing gawain at maaasahang ipatutupad ng pamahalaang lokal sa
pamamagitan ng Municipal Treasurer’s
Office at Permits and License Division ang mga panukala ng batas hinggil dito. ESL
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?