Pinangunahan
ni Mayor Mark N. Marcos at ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan (SB) sa pamumuno
ni Vice Mayor Henry Joel C. Teves ang paglagda ng mga Naujeňo sa Commitment of
Support sa National Year of Rice (NYR) 2013 noong Setyembre 7, 2013 sa Liwasang
Bonifacio.
![]() |
Mayor Mark N. Marcos (kanan) at Vice Mayor Henry Joel C. Teves (kaliwa) sa unveiling ng National Year of Rice (NYR) na isinagawa sa Agro-Trade Fair.
|
Ang
naturang gawain na kaugnay ng Agro-Trade Fair ay ginanap bilang pagsunod sa
mandato ng pamahalaan para sa adbokasiya ng pagtitipid sa pagkonsumo ng bigas.
Pangunahing layunin ng NYR na maging sapat ang suplay ng bigas sa 2014 upang
hindi na kakaila-nganin pang umangkat mula sa labas ng bansa.
Ang
paglagda ng bawat Naujeňo, siya man ay prodyuser ng bigas, tagagawa ng mga
polisiya, o isang karaniwang mamamayan lamang ay nangangahulugan din na siya ay
tutulong sa pagtataguyod ng magandang kalusugan ng mga konsumante ng bigas at
pagpapaigi ng antas ng kita ng mga magsasaka.
Ayon sa pag-aaral, kumakain ang bawat Pilipino ng
4 ½ tasang bigas araw-araw samantalang sapat na ang 3 tasa/araw. Na-ngyayari
ito dahil ¼ na bahagi lamang dapat ang kanin at iba pang katulad na pagkain (¼
prutas, ¼ gulay at ¼ protina) sa kabuuang dieta. Nakatuon ang mga Pilipino sa
kanin bilang pinagkukuhanan ng enerhiya, samantalang ang 1 tasang kanin ay
katumbas ng 5/6 tasang saging, 1 ½ tasang patatas, 2/3 tasang balinghoy, 5/6
tasang kamote, 1/3 tasang mais o 1 1/8 tasang gabi. Kung may tamang kombinasyon
sa source ng carbohydrates, maiiwasan ang sobrang pagkunsumo ng bigas. Kaya ang bawat
Pilipino ay nag-aaksaya ng 2 kutsarang kanin o 9 gramong bigas araw-araw.
Noong
2010, ang nasayang na bigas ay katumbas ng 13% kabuuang inaangkat sa isang
taon. Ito ay nagkakahalaga ng Php 6.20
Bilyon o konsumo na ng 2.60 Milyong Pilipino sa 1 taon.
Nasumpungan
din na mahina ang produksyon ng palay sa Pilipinas. Sa pagtatanim ng hybrid rice, mababa na ang 1 mt karagdagang ani
bawat ektarya. Kung gagawin ito ng mga magsasaka ng palay sa bansa, 960,000 mt
karagdagang palay ang aanihin sa isang taon. Kayang-kayang tumbasan nito ang
600,000 mt na inaangkat pa sa ibang bansa.
Higit
pang aangat ang ani kung tama ang pagpapatubig at paglalagay ng pataba;
paggamit ng makinarya, at pag-monitor ng palay.
Sa
ngayon ay wala pang polisiya para sa pagtataguyod ng produksyon at
responsableng pagkonsumo ng palay/bigas. Dapat diumano ay magkaroon ng mga
katulad na ordinansa sa pagtitipid o kontra-aksaya ng bigas o hindi kaya ay sa
pagbibigay insentibo sa mga magsasakang may mataas na ani.
Binibigyan-diin
ng NYR ang pagtitipid sa bigas sa pamamagitan ng pagkain ng iba’t ibang
mapagkukunan ng enerhiya kagaya ng kamote, saging, atbp. Hinihikayat rin ang
pagkain ng brown
rice para
sa malusog na pangangatawan.
Ang
mga bagay na ito ay huwag nawang kaliligtaan ng bawat Naujeňo na pinangatawanan
ng mga Naujeňong lumagda sa Commitment of Support sa National Year of Rice
(NYR) 2013. ESL
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?