![]() |
Angel M. Navarro Municipal Administrator |
Sino nga ba si ANGEL MIRANDA
NAVARRO o “BOBI” sa mga taong lubos na nakakakilala sa kanya?
Si
“Bobi” ay anak nina G. De Gaulle Aboboto Navarro at Elvie Miranda. Nagtapos
siya ng elementarya sa
Nag-iba Elementary School; nag-aral siya
ng high school sa Sacred Heart Academy sa Quezon
City at nagtapos ng Bachelor of Science in Business Administration major in
Accounting noong 1985 sa University of the East. Nabiyayaan siya ng tatlong
anak sa asawang si Mila Digno, sina Angel Ajerico, Alexis, at Monina.
Taong
1992 nang magsimula siyang magtrabaho sa Pamahalaang Bayan ng Naujan ng noo’y Punumbayan
Nelson B. Melgar bilang isang License Inspector. March 15, 1998 naitalaga siya sa HRMO at noong August 31,
1998 nagpasya siyang magbitiw sa
tungkulin.
Maraming
kasamahan niya ang nagulat sa biglaan pagbibitiw. Dahil sa kanyang angking
talino at kasipagan maraming kasamahan niya sa trabaho ang nanghinayang.
Mabilis
na lumipas ang panahon at naging simple siyang magsasaka. Ginugol niya sa bukid
ang kanyang sarili ng mahabang panahon. Isang simpleng ama at asawa, dala ang
isang pangarap na makita ang Naujan na may kapayapaan at kaunlaran.
Sa pagkakaupo
ni Atty. Mark N. Marcos, siya ay itinalaga bilang bagong Municipal
Administrator, isang posisyong nangangailangan ng malawak na pang-unawa at
talino upang mapaglingkuran nang tapat
ang bawat Naujeňo.
Sa
kasalukuyan, nakatanaw siya sa isang malalim na pangarap na makita ang Naujan
na may kaunlaran. Katuwang siya ng ating Punumbayan Atty. Mark N. Marcos sa
isang adhikain- isang maunlad na Naujan para sa mamamayan.
NELSON DE GUZMAN
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?