Sinadya ng Naujan Fire
Station ang Balite Mangyan School para sa regular na pagsasagawa ng pagsasanay
bilang preparasyon sa oras ng kalamidad katulad ng lindol at sunog. Layunin ng
nasabing gawain ang tiyaking ligtas ang mga Mangyan sa oras ng kalamidad.
![]() |
Hindi lamang para sa mga Tagalog at sunog ang mga Bumbero, para sa mga Mangyan at kawang-gawa rin.
|
Matagumpay
na naisagawa ang Duck, Cover and Hold na ginagawa kasabay ng pagpapatunog ng
senyales ng paglindol. Kasunod nito ang organisadong paglikas mula sa kanilang
silid-aralan patungo sa ligtas na lugar.
Bukod
sa pagsasanay, nagkaloob din ang mga Bumbero ng Naujan ng 4 na pirasong electric fan bilang tugon sa kahilingan ni
Teacher-in-Charge Mrs. Precila C. Delin. Namigay rin sila ng mga pagkain at
tsinelas para sa mahigit 160 mag-aaral mula sa pinagsamasamang donasyon ng
iba’t ibang konsernadong personalidad.
Naging
matagumpay ang nasabing gawain sa pangunguna ni SFO1 Marciano R Apostol kasama sina FO2 Lizel M
Reyes, FO1 Rexcel C Ylagan, FO1 Anthony F Micua, FO1 Mark Anthony F Alferez at
ilang miyembro ng TAU GAMMA PHI – Naujan Municipal Council na kinikilala bilang
Fire Volunteers.
Todo-suporta
naman ng lokal na pamahalan ng Naujan sa pamumuno ni Mayor Mark N. Marcos ang
nasabing programa sa pamamagitan ng pagpapagamit ng Rescue vehicle na
pinagkargahan ng mga donasyon at sinakyan ng mga kawani ng BFP at volunteers.
FO1 ANTHONY F MICUA
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?