Malinaw na ilegal ang ilang
retailers ng gasolina at dealer ng LPG sa Naujan. Ito ang kumpirmasyon na
ibinigay ng Multi-sectoral Advocacy Campaign on Downstream oil Industry na
isinagawa sa Calapan City noong Oktubre 8, 2013.
![]() |
Hindi lamang nakabote ang ilang nagtitinda ng petrolyo, wala pang kaukulang permiso ang mga ito.
|
Gamit
ang mga saligang batas kaugnay sa mga pa-ngangalakal at pg-iimbak ng produktong
petrolyo, ilegal ang mga sumusunod:
Para sa krudo at
gasolina
Bote-bote
o de-container na krudo at gasolina
Walang
business permit at iba pang kaukulang mga dokumento
Above
the Ground Tanks (AGT)
Kulang
sa 100 sq. m. na kinakailangang luwang ng pwesto
Para sa LPG
Ilegal
na pagsasalin (refilling)
Ang mga tangke ng LPG ay
pag-aari ng authorized
refil-ling plants.
Ipinahihiram ito sa mga konsumante sa pamamagitan ng authorized retail outlets na tumanggap rin nito mula sa mga authorized dealers. Kapag naubos na ang laman,
ibinabalik ang mga ito sa planta upang mamintina at mapanatiling ligtas gamitin
at malagyan ng eksaktong laman.
Naging
ilegal ang pagsasalin kung hindi na nakakabalik ng planta ang nasabing mga
tangke. Sa halip, napupunta ito sa mga negosyante na nagri-refill ng walang
kaukulang permiso. Dahil mura, hindi mahalaga ang pagmintina ng tangke at laman
nito. Hindi rin mahalaga ang uri at kaligtasan ng tangke, hanggang sa maabutan
ang sinumang biktima ng pagsingaw at pagsabog ng tangke.
Ilegal na lalagyan
(cylinder/container)
Ang ilegal na pagsasalin ay
magdudulot ng ilegal na mga lalagyan at vice-versa. Bawal ang mga sumusunod:
Napakialaman
(tampered) na lalagyan. Ito ay mga tangke na iba ang nakaukit sa nakapintang
pa-ngalan. Kasama na rito ang nirepair na mga tangke.
Scrap
o kalawangin ng tangke. Mapapansin ang kinakalawang na mga tangke sa ilalim
nito.
Hindi
sertipikadong yari na tangke. Kapag walang nakaukit na pangalan sa tangke,
maaring hindi ito sertipikado. Delikado ang tangkeng basta na lamang ginawa.
Under-filled
o kulang sa laman na tangke ay dahilan sa mga tangkeng may solidong mga residue
sa loob dahil hindi na nalilinis. Kukuhanin ng bigat nito ang timbang ng LPG na
binabayaran ng mga konsumante. Timbangin ang LPG upang malaman kung may
problemang ganito.
Walang Timbangan
Puwedeng
hanapan ng timbangan ang mga retailers para matingnan ang bigat ng binibiling
LPG. Bago timbangin ang binibiling LPG, hanapin ang mga sumusunod:
Tare
Weight (TW) :Ito ang timbang ng tangke
Net
Weight :Ito ang timbang ng LPG
Gross Weight :Kabuuang
bigat ng tangkeng may laman, net weight plus TW.
Wala o peke ang selyo
Tingnan
nang maigi ang selyo kung may tatak ng authorized refiller.
Ang
ilegal na pangangalakal ay magreresulta sa pagkaloko, pagkalugi; at ang
pinakamasaklap, aksidente.
Maaring
iulat ang ilegal na gawain sa sumusunod:
Dir. Zenaida Y. Monsada
Assist. Director Rodela I.
Romero
Department of Energy
Oil Industry Management
Bureau
Energy Center, Merritt Road
(02)840-5669, 840-2130,
479-2900
Website: www.doe.gov.ph
ESL
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?