Hindi na kumalat sa karatig
na mga istraktura ang sunog sa Genilo St., Poblacion 1 noong Oktubre 9, 2013
nang pinagtulung-tulongan ito ng mga bombero at mga boluntaryo mula sa iba’t
ibang sektor. Walang naiulat na patay o sugatan maliban sa danyos ng mga natupok
na ari-arian kasama na ang isang aso.
![]() |
Hindi nadamay ang mga katabing commercial establishments ng nasusunog na bahay na ito dahil sa kooperasyon ng komunidad.
|
Ayon
sa deklarasyon ni Gng. Elvessa C. Magadia, may-ari ng bahay, nasa Php 1.50
Milyon ang halaga ng nilamon ng apoy.
Namataan
ang sunog dakong alas 2:00 ng hapon na inulat ng isang kawani ng Allied Sa-ving
Bank sa Naujan Fire Station. Kaya’t agad itong nai-relay ng Munisipyo ng Naujan sa mga lokal
na pamahalaan ng Victoria, Calapan at Kapitolyo.
Samantala,
hindi nag-iisa ang mga bumbero ng Naujan nang magtulung-tulong ang mga
boluntaryo mula sa Triskelion fraternity, ilang kawani ng Munisipyo at mga
karaniwang mamamayan.
Hindi
kalaunan ay dumating ang mga bumbero ng Calapan City, Victoria at Provincial
Disaster Response Team (PDRT). Dumating din ang Fire Truck ng Tamaraw Fire Volunteer.
Bandang
alas 4:30 na ng hapon ng ganap nang maging fully neutralized ang insedente.
Ayon
sa ulat ng istasyon ng Naujan, hindi tiyak ang dahilan at pinanggali-ngan ng
sunog. Walang taong makapagpatunay dahil walang nakasaksi sa inisyal na
pagsisimula ng sunog.
Lubos ang pasasalamat ni
Mayor Mark Marcos at Fire Insp. Ronald Cupiado sa dalawang (2) karatig na
pamahalaang lokal kasama na ang Kapitolyo at mga negosyante sa Calapan na nagpadala ng kanilang fire volunteers at sa mga grupo at mamamayan ng
Naujan na kusang-loob na nag-laan ng panahon upang labanan ang nasabing
sunog. ESL
No comments:
Post a Comment
Nais mong magkomento?